Chapter 10

429 39 19
                                    

++++

Rehearsal

Sabi nga ni Tito Ren, kapag mahal niya, ipaglalaban niya. Kapag sinabi niyang hindi ka niya susukuan, hindi ka niya susukuan. His principles is really hard to break. May paninindigan talaga siya sa kanyang sarili.

Everyday, kapag pumapasok ako sa school, he was always at my back. Palagi niya akong sinusundan kahit saan man ako magpunta. Good thing, hindi niya ako nilalapitan. Subukan niya lang gawin iyon, hindi ako magdadalawang isip na sampalin siya.

"Hexa!" Phayne called my name. Napalingon ako sa kaibigan kong tumatakbo papalapit sa'kin. Nilampasan nito si Cadris at lumapit sa'kin. Muntik pa akong matumba ng bigla niya akong yakapin.

"Damn Phayne! Anong problema mo?!" singhal ko dito. Dahil sa ginawa niya muntik na akong mapaupo sa hallway.

"Rehearsal later," she reminded me. 'Yong kaba ko ay nagsimula na namang umusbong. Hindi na ba pweding magback out? Paano ba naman kasi, andiyan si Cadris. Paano ako rarampa ng maayos kung andiyan siya sa tabi ko? I can really do it with him?

"Huwag kang magback out!" sabat niya ng akmang magsasalita ako. Parang instinct niya na iyong nagsasabi na kokontra ako.

"Just for the kids, Hex. Isipin mo 'yong mga batang kailangan ng tulong mo," pangungunsensya nito. Parang gusto ko siyang sabunutan ngayon dahil inipit niya ako sa ganitong sitwasyon.

"Tsk. Whatever!" Ito nalang ang nasabi ko bago padabog na tinungo ang kwarto. Tutal hindi na naman ako makakapagback out, mas maigi ng sa kanya ko nalang ibuntong lahat ng inis ko. Bahala siyang maghandle sa'kin.

"Hintay!" she shouted.

"Don't talk to me!" I shouted back.

Pagkapasok namin ng room ni Phayne ay bumungad sa harapan namin ang mga mukha ng kaibigan ni Cadris. Nakangisi ang mga ito na parang may binabalak na masama. Nakatingin sila sa'kin and it creeps the hell out of me! Kinikilabutan ako sa kanila. Even Reizelle was looking at me like an idiot. She was grinning from ear to ear.

"So, later ang rehearsal?" Aljohn asked Phayne na siyang ikinakunot ng noo ko. Napatingin ako sa kaibigan ko na ngayo'y nakakagat labi. Hindi ito makatingin sa'kin. What's the meaning of this? Kasali silang lahat sa fashion event?

"Y-Yeah. Pagkatapos ng k-klase," nakayukong sabi ni Phayne.

Tumango-tango ang mga ito bago salubungin ang kaibigan nila na ngayon pala ay nasa tabi ko. Nagulat ako at bahagyang napaatras. Kanina pa ba siya nakatabi sa'kin?

"Tsk."

Nilampasan niya ako at si Phayne. Pumunta ito sa mga kaibigan niya at nakipaghigh five. Nagkatinginan kami ni Phayne and I looked at her curiously.

"Yeah. They're one of my models," she whispered. Pinaningkitan ko siya ng tingin. Sadya ba itong mangyari o wala lang talaga siyang mahanap na models?

"Mamaya daw rehearsal!" Niel said to Cadris.

"I know, I heard."

Napakagat labi ako. Kanina pa talaga siya nakatabi sa'kin. Narinig niya 'yong usapan ni Phayne at ng barkada niya. Hindi ko man lang naramdaman ang paglapit niya seriously. Feeling ko talaga kanina ay wala akong katabi.

"Yun oh! So...tapos rehearsal night out?" Aljohn squealed.

Napailing ako. Night out? Tapos ano maghahanap sila ng babae? Grabi din ang trip nilang lima ha! Sila na ang babaero.

Preying HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon