+++++
Complete
Halos hindi ako mapakali at kanina pa ako pabalik-balik habang naghihintay kay Cadris na dumating. I bit my lower lip dahil sa sobrang kaba. Samot saring mga tanong ang umiikot sa utak ko. Lahat negative at hindi ko alam kung magiging positive ba ang magiging reaksiyon niya kapag sinabi ko sa kanya ang totoo.
Magagalit kaya siya? Aawayin niya ba ako? Susumbatan?
Damn it! Para na akong mababaliw sa kakaisip. Paano nga kung iyon ang mangyari? Anong sasabihin ko? Anong gagawin ko? Anong sasabihin kong rason?
"This is crazy!" I muttered.
Ganito pala ang pakiramdam kapag may itinatago ka tapos ay sasabihin mo na. Hindi mo alam kung itutuloy mo pa ba ang balak mo o hindi na. Natatakot ako sa magiging reaksiyon niya at sasabihin, seriously.
He deserves to know it kaya kung ano man ang kahihinatnan ng lahat ng ito ay bahala na. Basta gagawin ko ang nararapat. He is the father of Zerafei and he has the right to know it from the very start. Umpisa palang dapat ay alam niya na kasi anak niya rin ito. But due to some misunderstandings and mistakes, hindi nabigyan nang pagkakataon na ipakilala ko sa kanya ang anak namin.
I sighed.
Napatalon ako sa gulat ng biglang may kumatok sa pinto. Hindi marahas at kalmado lamang. Nanginginig akong lumapit at sinilip siya pero hindi ko ito makita.
Ilang beses akong napalunok bago ko napagpasyahan na pagbuksan ito. Bawat hila ko ay may kasunod na buntong hininga. Kinakabahan talaga ako. Hindi ko alam kung paano mag-uumpisa!
"Mama!" Ito ang bumungad sa'kin pagkabukas ko ng pinto. Ilang beses akong napakurap bago marealize na anak ko nga ang nasa harapan ko. I was stunned and cannot be able to move for a minute. Para akong natulos sa kinatatayuan ko. And double shit dahil hindi ito ang inaasahan ko.
My daughter is in front of me right now! She was smiling at me and her eyes was twinkling. Oh darn!
May mas susurpresa pa ba dito? Baka meron pa akong hindi inaasahan!
"Mama?" tawag ng anak ko sa'kin. Hinanap ko si Mama pero hindi niya ito kasama. Where is she? Bakit hinayaan niya ang anak ko na mag-isa? Akala ko ba magkasama silang dalawa?
Lumuhod ako at kinarga si Zer. Nagtataka ang mga mata nito habang nakatingin sa'kin.
"Baby, where's your momma?" I asked. Nagkibit balikat ito pagkatapos ay pinaglaruan ang bibig. Pinapabula pa nito ang laway kaya sinaway ko siya.
"Stop that Zer," I said.
She pouted her lips and hugged me tighter. Napangiti ako pero hindi parin nawawala ang kaba sa dibdib ko. Paano giginhawa ang aking puso kung nandito ang anak ko sa harapan ko? How could I manage to breathe properly? How could I manage to play with my daughter? How?! Tell me...
Bakit ba nangyayari ito? I am not yet ready! I am not yet ready to introduce Zer to her father. Natatakot ako.
"Mama, Dada?"
Nangunot iyong noo ko. Sino ba ang tinutukoy niyang Dada? Kanina pa niya ito sinasabi noong tumawag ako. Sino bang Dada ang sinasabi niya? Possible bang si Cadris ito? No—No.
Paanong magiging si Cadris? Bakit nagkita na ba sila ng anak ko? Ni wala nga iyong alam na may anak kaming dalawa! Siguro, baka may sinabi sa kanya si Mama. How I wish na iyon nga talaga.
"Mama, Dada?" asked Zer again.
"Baby, who's Dada?"
Nagbabakasakali akong sasagutin niya ako pero ano nga ba ang aasahan ko sa bata? She is just two years old! At ni hindi pa nga siguro nagsi-sink in sa utak niya ang mga pinagsasabi ko. Yes, naiintindihan niya ako kahit papaano pero hindi lahat ng sinasabi ko ay gets niya at kayang sagutin ng deritso.
BINABASA MO ANG
Preying Her
AçãoHexa Louise Mabaquiao, was stuck in the past. She was afraid to risk that she might lose again. She became a useless person way back after Cadris Ford Montenegro left her. And now that he's pursuing her, she doesn' t know what to do because he is to...