+++++
Krammy Montellano
Mabibigat ang hakbang ko habang naglalakad sa hallway ng Hotel. Napahinto lang ako ng makasalubong ko si Krammy. Mag-isa ito at hindi niya kasama si Dara. Iyong kilig na naramdaman ko sa kanya kanina ay biglang nawala. Napalitan ito ng inis sa hindi malamang kadahilanan.
Akmang lalampasan ko na sana siya ng bigla niyang harangan ang dinadaanan ko. Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya dahil wala akong samood na makipaglaro.
"Padaanin mo'ko," matigas na tugon ko.
He grinned as if there's something funny. Nagulat ako ng bigla niyang higitin ang kamay ko at hinila patakbo. Napamura ako ng wala sa oras.
"What the hell?! Bitawan mo'ko!" I blurted out as we run.
Pinagtitinginan kami ng tao sa bawat hakbang na ginagawa namin. Pati mga kaibigan ko na ngayo'y nalampasan ko na ay nagtataka sa nangyayari. Napaawang na lamang ang mga bibig nito at naestatwa sa gilid.
"What the fuck?!" I heard Reizelle fervently said. Pati siya ay nagugulat sa nangyayari kung bakit ako hinihigit ni Krammy.
Nang makalabas kami ng tuluyan sa Hotel ay pumara ito ng taxi. Agad kaming pumasok at may sinabi siya kay manong driver na lugar na hindi ko alam.
Agad ko siyang hinampas dahil sa ginawa niya sa'kin.
"Gago ka! Hindi tayo close kaya bakit mo'ko hinila!" sigaw ko dito na tinawanan lang niya. Ang laking hinayupak din ng lalaking ito.
"Relax! I won't bite," he said to me and I hit him hard on his biceps.
"Asshole! Wala akong time sa'yo!"
Ramdam ko ang paninitig ni manong taxi driver sa'kin pero binaliwala ko iyon. Gusto kong makaalis sa harapan ng lalaking ito. Kung kanina ay halos sambahin ko siya sa utak ko ngayon gustong-gusto ko siyang tirisin na parang kuto.
"Your place or mine?" tanong nito na ikinataka ko.
"What?" I asked cofused. Hindi makapaniwalang tiningnan niya ako at nagawa niya pang umiling sa harapan ko.
"Saan mo gustong pumunta?"
Napataas ako ng kilay bago siya sigawan ulit. "Sa lugar kung saan walang istorbo! At pwedi ba, huwag mo'kong idamay sa kalokohan mo!"
He chuckled.
"You know what? Broken-hearted ka na nga, nag-iinarte kapa. Hindi bagay sa'yo, hindi ka maganda!" sabi nito na ikinainis ko. Nanggigil na binalingan ko siya ng tingin. Gusto ko siyang patayin, patayin at patayin. Ghad! Kung hindi lang masamang gawin iyon ay kanina ko pa ginawa. But I still have alternative, I punched him hard on his face and I pulled his hair up brutally.
"Damn! Shit! Sakit no'n! Lintik!" mura nito dahil sa ginawa ko. Pakiramdam ko lahat ng inis at sakit ay sa kanya ko ibinunton. Pasalamat siya at iyon lang ang ginawa ko sa kanya! Buti at hindi ko siya kinagat na parang aso!
"Makainsulto ka akala mo gwapo ka?! Ha! Ikaw ang pinakapangit na artistang kilala ko!" singhal ko dito para makabawi man lang sa pang-iinsulto niya sa'kin kanina. How dare him!

BINABASA MO ANG
Preying Her
ActionHexa Louise Mabaquiao, was stuck in the past. She was afraid to risk that she might lose again. She became a useless person way back after Cadris Ford Montenegro left her. And now that he's pursuing her, she doesn' t know what to do because he is to...