Chapter 3

499 45 23
                                    

+++++

Stop this

Nagsisimula na ang klase at ito ang unang araw namin na papasok sa school. Nakakainis lang dahil wala pa naman palang prof. Limang subjects nalang ang natitira gayong 4th year na kami. Tapos na rin kaming makapag-OJT noong third year sa isang sikat na Five Star Hotel. And as an HRM student, masaya lalo pa't kung nagluluto kami. Hobby ko ang magluto kaya ito ang kinuha ko. Ayaw ni Mama pero she have no choice but to accept it. Ako naman ang kukuha ng kursong ito, hindi siya.

Napatingin ako sa labas ng marinig ko ang sigawan ng mga kaklase ko. Ganyan sila kapag nakakakita ng gwapo and I am sure na may paparating. Hindi ko talaga minsan magets kung bakit kailangan nilang sumigaw. Hindi ba pweding kiligin sila ng palihim? Hindi ba pweding humanga ng hindi sumisigaw?

"Kyaaaahhh. Gosh! I'm gonna die. I'm gonna die!"

Napairap ako sa kawalan ng marinig ko 'yon. Seriously, ang O.A ng taong nagreact no'n. Tao lang 'yan kaya hindi mo kailangang mamatay dahil sa kagwapuhan nito.

Napatingin ako kay Phayne ng humagikgik ito sa isang tabi. Kasama niya si Kristie at nagtatawanan silang dalawa. Si Bryan ay wala dito dahil may work pa siya sa office nila.

"O.M.G. Cadriiiissss!"

Napaayos ako ng upo ng marinig ko ang pangalang iyon. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at nagising sa isang masamang panaginip. What the hell?! Did I heard it right? Pangalan ba talaga ng hinayupak na iyon ang narinig ko?

"Hexa!" Napalingon ako sa mga kaibigan ko na ngayo'y sobrang makangisi. Lalo na si Kristie na abot hanggang langit ang bungisngis nito.

Huwag lang talaga siyang magkakamali na lapitan ako. Damn! Hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko at para akong natatae.

"Ang gwapo shit!" rinig kong utal ni Kristie. Napatingin ako sa pinto at iniluwa noon ang isang lalaking pinagpala. Pinagpala sa mukha, sa katawan, sa lahat-lahat na, siya na!

Seryoso ang mukha nito habang papasok ng classroom. Deritso lang ang tingin niya at hindi man lang nagawang lumingon o iikot ang mata.

Nakalimutan kong magkaklase pala kami and I am damn doomed. How can I stay away from him? Tell me. Ayokong malapit siya sa'kin. I hate it.

Hindi ko siya magawang tingnan simula ng pumasok siya sa loob ng classroom. Nagbusy-bisihan ako at naglaro sa cellphone. I want to be distracted lalo pa at alam kong may nakatingin sa akin sa likuran ko. Malakas ang radar ko, na nakatingin siya.

"Ahm. Phayne, alis na tayo. Wala pa namang prof." Tumingin sa'kin ang kaibigan ko habang nakangisi. Dahan-dahan niyang iniling ang ulo niya dahilan para madismaya ako.

"Later Hexa," she said. Napakagat ako sa labi ko. Hindi na'ko kumportable dito lalo pa at sobrang lapit lang niya sa'kin. Anytime, pwedi niya akong lapitan.

"Kristie--"

"Later."

Alam talaga nilang may iniiwasan ako. At hindi man lang nila ako magawang tulungan. Come on, friends ko ba talaga sila?

Nanigas ako sa kinauupuan ko ng maramdaman kong may umupo sa tabi ko. I stiffined at pakiramdam ko nanigas ang buong katawan ko. Naghaharumentado narin ang puso ko sa sobrang kaba. Shit! Can someone help me to leave this place?

"Hex..."

Nanlamig ang buong katawan ko ng marinig ko ang boses niya. I knew it! Siya talaga iyon. Kaya pala pamilyar sa'kin ang malayelo nitong boses kasi siya talaga si manong taxi driver. Really, Cadris? Nagawa mo 'yon para bantayan ako? Nagawa mong mag disguised para hindi ako mapahamak gabi-gabi? Nagawa mo talaga iyon para sa akin?

Preying HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon