++++
Cadris Ford Montenegro
Kinaumagahan, pagkagising ko ay may natanggap akong text mula kay Kristie and Phayne at halos malaglag ako sa kama ko dahil sa message nilang dalawa.
Kristie:
Damn Hexa! Pumunta ka sa school now na! Cadris and his friends naku may pinagtripan at alam kung may kinalaman ka!
Phayne:
Hoy babae, hinahanap ka ni Cadris. Kausapin mo daw siya kung ayaw mong patayin niya itong lalaking binitin niya sa fifth floor ng Aguirre Building!
Ilang mura ang ginawa ko bago mag sink in sa utak ko ang tinext nila. Tiningnan ko kung ilang minutes na silang nagtext and I sighed na 3 minutes ago. Dali-dali akong pumunta ng bathroom at naligo, as fast as I could. Hindi ko na maalala kung nagsabon pa ba ako o nagshampoo dahil ang iniisip ko habang naliligo ay ang lalaking nakabitin sa fifth floor ng Aguirre hall. At sobrang taas no'n! Damn Cadris, you're so persistent to get my attention!
Pinaharurot ko ng mabilis ang sasakyan para maabutan ang nangyayari sa school. Nang makapark ako ay agad kong tinungo ang Aguirre hall at sobrang daming tao! Lahat sila nakatanga habang tinitingnan ang lalaking nakabitin, hindi naman patiwarik, sa fifth floor ng Aguirre Hall.
"Hexa!" sabay na sigaw ni Phayne and Bryan ng makita nila ako. Pero imbes na pansinin sila ay hinanap ko ang lalaking may pakana nito. And I saw him uptairs together with his damn friends, nasa fifth floor din, habang nakangisi.
Naningkit ang mata ko habang tinitingnan siya. At mabigat narin ang paghinga ko dahil sa inis na nararamdaman ko sa kanya. Dinagdagan mo pa talaga ang pagkamuhi ko sa iyo Montenegro! Humanda ka talaga sa'kin.
"Kawawa naman 'yong lalaki," I heard someone said that and she's damn right! Kawawa nga ang lalaki dahil sa hinayupak na Cadris na ito.
"Hexa!" sigaw ulit nila ng tumakbo ako paakyat ng Aguirre Hall. Gusto kong puntahan ang lalaking iyon at sabihin na pakawalan niya na 'yong lalaki. Napakagago niya talaga! He's not playing fair!
"Girl, kalma!" Bryan shouted but I didn't bother to turn my gaze. Naiinis ako kaya huwag niya akong pigilan baka sa kanya ko lang mabunton ang inis ko! Naghihingahos ako habang paakyat ng hagdan at nakakapagod pala. Ngayon lang ako nakaakyat dito ng nagmamadali.
"Hex, just talk to him," Phayne said. Nasa third floor palang kami at dalawang floor pa bago ako makarating sa lintik na Cadris na iyon.
Galit na galit ako. At lalong nadagdagan ang galit ko ng makatungtong na'ko sa fifth floor. Nang makita ko ang nakangising mukha ni Cadris ay binigyan ko siya ng malamig na titig.
"Pakawalan mo siya," I said to him. Ngumise ang mga kaibigan niya habang tinatapik ang balikat niya.
"Ummm.... ummmm.." Napatingin ako sa lalaking binitin nila. May scatch tape ang bibig nito kaya hindi siya makapagsalita. Tiningnan ko ng masama si Cadris at ang mga kaibigan niya.
"Dude, your mad angel." Naningkit iyong mata ko sa sinabi ni Aljohn. Mad angel?! Pakshit kayo!
"Pakawalan mo siya Cadris!" I shouted.
"No," matigas na sabi nito. Napatiim bagang ako. I really want to punch his face right now. He is making a damn scene at alam kong hindi ito palalagpasin ng Disciplinary Office! And of course, he doesn't care kung ipatawag man siya. Gago 'yan eh!
"Hindi ka ba naaawa sa kanya?!" I shouted again. Dahil ako, awang-awa na. Umiiyak na ito sa sobrang kaba. Sino ba naman kasi ang hindi matatakot kung ibitin ka sa fifth floor ng pinakamataas na building sa school? Tumingin ka pa ngalang sa baba nakakalula na, paano pa kaya kung ibitin ka?
BINABASA MO ANG
Preying Her
ActionHexa Louise Mabaquiao, was stuck in the past. She was afraid to risk that she might lose again. She became a useless person way back after Cadris Ford Montenegro left her. And now that he's pursuing her, she doesn' t know what to do because he is to...