++++
His Stare
Bawat subo ko ay pakiramdam ko may nag-aabang. Iyong tipong kulang nalang ay agawin niya ang kutsara'ng pinangsusubo ko. Ang mga titig nito sa'kin ay talagang nakakatunaw. Shit! Kung pwedi lang siyang sipain ay ginawa ko na kaso medyo malayo kahit na nasa harapan ko lang siya. Tumikhim ako at tiningnan ko siya. I glared at him at nagets niya naman yata ang pinapahiwatig ko kaya't umayos ito ng upo at nagsimulang kumain. 'Yan, matakot ka dapat sa tingin!
Her Mother prepared a lot of dishes. May ibang unnamed dahil hindi pamilyar sa akin. But somehow, 'yong favorite kung dish ay nandito, the Binakol. I really loved this at hindi ko pa ito naluluto sa school. Hindi ko rin kasi alam kung paano lutuin. You know, kahit HRM student ako ay limited lang ang alam kong lutuin. Like adobo, afritada, sweet and sour fish, fish fillet and many more. Mga nasa 13 dish siguro ang alam kong lutuin maliban sa mga prito prito na'yan, nako chicken.
"So Kuya...anong ginawa mo sa school at pina disciplinary office ka?" pambabasag ni Sasha sa katahimikan.
Napalunok ako ng laway. No, no, Sasha, don't open that topic. Baka malaman niyong magkakilala kami ng Kuya niyo.
Napahigpit ang hawak ko sa kutsara ng tingnan ako ni Cadris. Ngumise ito bago binalingan ng tingin ang kanyang kapatid. Huwag ka lang talagang magkakamali Cadris! I swear, I will fucking kill you. Don't give a damn to tell them that we knew each other at ako ang isa sa dahilan kung bakit mo ginawa iyon. At huwag mo silang gawing excuse para pansinin kita! Damn!
"Do you really want me to answer that...?" he said while grinning. At kahit hindi siya nakatingin sa'kin ay alam kong para sa'kin ang sinabi niyang iyon. Damn, Cadris Ford Montenegro! You really that desperate to get my attention?!
"Of course!" Sasha answered.
I bit my lower lip. Shit! Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan akong sabihin niya sa kapatid niya ang tunay na rason kung bakit siya pina disciplinary office.
"You want...?" He asked again.
Tiningnan ko siya ng mataimtim. Kung nakakamatay lang talaga ang tingin, damn, kanina pa siya patay! At kung nakakamatay lang ang pag-iisip na sinasaksak ko siya sa utak ko, I will definitely kill him again and again in my mind.
Nilapag ko ang kutsara ko at ngumite ng pilit. Ewan ko kung napansin nila ang tensiyon sa aming dalawa. And I bet napansin nila kasi napatingin sila kay Cadris. Para silang naguguluhan na ewan sa lalaking ito.
"May binitay daw siyang isang estudyante sa building nila, Engineering student at ang malala ay may sakit pala ang bata sa puso kaya ayon dinala agad sa ospital at naging malala ang kalagayan. Stable narin naman daw ito but he needs a proper medication that's why his parents decided to bring him abroad to cure him. At siguro isa na naman si Dara sa rason kung bakit nagkakaganyan ang Kuya ninyo. Naku, the last time na nagkaganyan siya ay 'yong iniwan siya ni Dara---"
"Mom! Stop it!" saway ni Cadris sa Mommy nito. Hindi na maipinta ang mukha nito at parang anytime ay papatay na ng tao. At ako naman ay parang hindi makahinga dahil sa narinig ko.
So, kilala nila si Dara at alam din nila kung ano ang epekto ni Dara kay Cadris. Nice! Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas para ipagpatuloy ang pagkain ko gayong sobrang lakas ng tambol ng puso ko. 'Yong pakiramdam na malapit ka sa sound system, sobrang lakas ng kabog ng dibdib mo na tipong hindi ka makahinga ng maayos at para kang nalulunod. Ganoon ang nararamdaman ko ngayon dahil sa sinabi ni Tita Syren. Ang sakit pala isipin na pati magulang niya ay may alam tungkol kay Dara pero samantalang sa akin ay hindi nila ako kilala.
BINABASA MO ANG
Preying Her
ActionHexa Louise Mabaquiao, was stuck in the past. She was afraid to risk that she might lose again. She became a useless person way back after Cadris Ford Montenegro left her. And now that he's pursuing her, she doesn' t know what to do because he is to...