+++++
Client
Halos mairita ako sa bunganga ni Jervy pagkarating namin ng Manila. Para siyang takas sa mental na akala mo'y ngayon lang nakalabas. Pinagtitinginan na kami ng tao dahil sa kasisigaw niya ngunit parang wala lang sa kanya. Hindi siya nahihiya pero ako na kasama niya, ako ang nahihiya sa ginagawa niya.
"Ang saya ko! I really can't believe it Hexa! I am here! Sa wakas!"
Parang gusto ko nalang magtago at magkunwaring hindi ko siya kilala kaso napaghahalataan dahil hawak niya ako sa kabilang braso ko. Bawat hila niya ay napapasunod ako at kung pwedi lang na itulak siyang hindi napapahiya, ginawa ko na kanina pa kaso baka maging masama lang ako sa paningin ng mga tao dito sa labas ng airport.
"Can you please shut up? Ang ingay mo!" madiing bulong ko sa kanya at ang bruha lalo pang sumigaw. The more you stop her, the more she will do something that can annoy you.
"Uh, by the way. Pupunta muna ako kina Nanay Luz and then you, ikaw muna ang bahala sa kliyente ko," she said while smirking.
Nagtatanong na tiningnan ko siya. Kailan pa siya nagkaroon ng kliyente sa Pilipinas? Well, she is an engineer. A famous engineer in France but recently she said to me na hinding-hindi siya kukuha ng Pilipinong kliyente, specifically lalaking kliyente it is because masama daw ang ugali. And now, nagtataka ako kung bakit nag-iba ang pananaw niya. Sometimes I cannot get her. Paiba-iba ang isip at desisyon.
"You always do that. Tatanggap ka ng proyekto tapos ako ang ipapaharap mo. Naging engineer ka pa! You always sent representative to save your ass."
Tumawa ito. "You know me."
Yeah, I know her. Ayaw niya kasing makipagkwentuhan sa mga kliyente niya. Nabobored daw siya. I shook my head because of her nonsense logic.
Nagpahinga kami pagkarating namin sa condo unit niya sa Caloocan and we stayed there for a couple of minutes after we decided to go out to eat our lunch. Mabilis lang ang ginawa naming pagkain at agad din itong umalis para puntahan ang Nanay Luz niya sa Pasay. At ako naman ay bumalik sa condo niya para magpahinga muna. Mamayang hapon pa naman ang meeting ko with her client so I still have time to rest and sleep.
Nagising ako dahil sa umaalingawngaw na ringtone ng cellphone ko, na hindi ko alam kung bakit naging baby shark na ang kanta. Medyo naalimpungatan ako at hindi agad nasagot ang tawag dahil sa sobrang gulat. My phone rang again and I saw my mother's name popped out in my screen so I immediately answered the call bago ito mamatay ulit.
"Mama!"
Nawala 'yong antok ko nang marinig ko ang boses ni Zer sa kabilang linya. It was soft at parang musika sa aking taenga. Bigla akong nakaramdam ng pangungulila. I already missed Zer. Isang araw palang kaming magkahiwalay ay gusto ko na agad bumalik ng France para makasama siya. How I wish to be with her right now. I want to hug her so bad.
"Mama!"
Napangiti ako ng wala sa oras. Oh my, I missed my baby.
"Hello Zer. How are you?" I heard her giggling in the other line. Such a lovely kid.
"Nak, kamusta diyan? Pupunta ka ba sa bahay?" Mama asked. Nakaloudspeak yata ang cellphone nito.
"Siguro po Ma. Bibisitahin ko ang bahay after ng meeting. Si Jervy kasi ako na naman ang ipapameet niya sa kliyente niya."
BINABASA MO ANG
Preying Her
ActionHexa Louise Mabaquiao, was stuck in the past. She was afraid to risk that she might lose again. She became a useless person way back after Cadris Ford Montenegro left her. And now that he's pursuing her, she doesn' t know what to do because he is to...