Chapter 33

268 20 3
                                    

+++++

Wish

Isang mahabang buntong hininga ang iginawad ko habang nakahiga sa aking kama. Maraming tanong ang pumapalibot sa aking utak. Mga tanong na hindi ko kailanman masasagot kung sakaling hindi niya sabihin sa'kin ang rason kung bakit siya nagtatago. Kung bakit ganoon nalang ang iwas niya at takbo sa tuwing tatangkain kong tingnan siya. Hindi ko maintidihan at naguguluhan ako sa inaasta niya.

Why Cad? Ilang beses ko na bang tinanong ito sa sarili ko? Bakit, bakit, at bakit pero hanggang tanong lang naman ako. Wala talaga akong ideya kung bakit ayaw niyang magpakita. Is there something wrong?

I sighed deeply. Earlier, I asked that question to him, after he sighed deeply, he ran away from me again without looking at me or saying a single word or even a goodbye. Tumakbo siya papalayo hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

Wala akong nagawa kundi ang tumayo sa kinatatayuan ko at umiiyak. Hindi ko nagawang habulin siya dahil pakiramdam ko ay nanghina ang buong katawan ko sa pag-alis niya at pag-iwan sa'kin.

Mag-isa akong umuwi pero pakiramdam ko may kasama ako. Nararamdaman kong nakasunod lamang siya sa likuran ko. I didn't bother to look back kasi natatakot akong baka umalis siya at iwan ulit ako. Ang maramdaman ang presenya niya sa likod ko ay okay na sa akin iyon. At least, hindi niya ako hinayaang umuwing mag-isa.

"Who the hell are you?!"

"And who the hell are you too?!"

Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang sigawan sa baba. Boses ni Craig at ni Sushi? She is here? And their shouting from each other?

"What do you think you are doing?! It's trespassing!" I heard Craig shouted kaya lumabas na ako ng kwarto.

"I'm Hexa's sister in-law so back off dude or I will fucking wring your neck!" Sushi shouted back.

Oh, damn! Baka kung ano pa ang isipin ni Craig at isumbong niya ako kay Mama. At baka mag-away na naman kaming dalawa. Alam ko kung paano magalit si Mama kapag nalaman niya ang tungkol kay Cadris. She hate Cadris to hell kahit na hindi niya pa ito nakikita. Sinisisi niya si Cadris kung bakit ako muntik ng magpakamatay noon. Kaya winarningan niya akong huwag na huwag na ulit akong makikipagbalikan sa kanya kung ayaw ko daw na mag-away kaming dalawa. Kaya ganoon nalang ang iwas ko noon dito. Dahil ayaw ko ng gulo.

I am ready to face my mother if Cadris showed up. Pero hindi pa nangyayari ang gusto ko kaya huwag muna ngayon dahil baka ibalik ako sa Canada at hindi ko na magagawa ang plano kong hanapin siya.

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko silang dalawa na nagbabangayan. Ang ingay sa totoo lang dahil nakakairita ang boses ni Craig at dinagdagan pa nang isang matinis na boses din ni Sushi.

"The both of you, can you please shut up?! Ang ingay ninyo!" I yelled at them.

"It's your fault!" Sushi shouted again.

"No, its yours!" Craig shouted back. Napatakip ako sa taenga ko. Damn!

Sa sobrang inis ko ay iniwan ko silang dalawa doon at lumabas ng bahay. I don't have time to listen to their freakiness.

Umupo ako sa tabi ng kalsada at nagmuni-muni. At least dito hindi maingay at walang magulo. Napatingin ako sa kalangitan at nagbilang ng mga bituin. Ang dami nila at hindi ko halos mabilang. Pero sa dami nila, isang bituin lang ang nakakuha ng pansin ko. Ang bituin na nag-iisa at walang kasama. Mag-isa lamang ito habang ang ibang mga bituin sa gilid ay napakadami at sama-sama.

Preying HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon