Chapter 48

277 13 3
                                        

+++++

Baby

Madaling araw ay nagising ako ng maramdaman kong may humahaplos sa tiyan ko. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at kasabay no'n ang pagguhit ng isang linya sa aking bibig. Napangiti ako dahil mukha agad ni Cadris ang nakita ko. Sumiksik ako sa kanyang dibdib at niyakap siya ng mahigpit.

Hugging him is always a dream come true. I dreamt this day to come. Na magkasama kaming dalawang nakahiga sa kama at walang iniisip na problema. We're just happy and yet so in love with each other. Kung nandito sana si Zer ay masasabi kong kumpletong pamilya na kami. Pero hindi ko pa nasasabi kay Cadris na may anak kami. I will tell him the truth but not right now. Kukuha muna ako ng lakas ng loob para sabihin sa kanya ang lahat tungkol sa anak namin.

Naramdaman ko ang malambot niyang labi na lumapat sa aking noo. Napangiti ako at isiniksik pa lalo ang sarili sa kanya.

"Ang aga mong nagising," sabi ko, inaantok pa.

"I did not sleep." Naibaling ko ang paningin ko sa kanya. He did not sleep? Ibig sabihin buong magdamag siyang gising? Bakit?

"Gising ka buong magdamag?" I asked confused. Bakit hindi siya natulog?

"Gusto kitang bantayan. Baka kasi makawala ka ulit," he said.

Hindi ko mapigilang kurutin siya sa kanyang tagiliran. Biglang nawala ang antok ko dahil sa mga pinagsasabi niya. Paano ako mawawala kung ang lakas ng kapit nito sa puso ko? Ako kaya, ganoon din ba kalakas nang kapit ko sa puso niya? Well, siguro oo, kasi hindi naman kami hahantong sa ganito kung hindi niya na ako mahal. I have no doubts when it comes to his love for me. Marami na siyang napatunayan sa'kin. Yes, sometimes he is an asshole pero alam kong ako ang dahilan kung bakit siya nagiging gago minsan.

"As if makakawala ako sa'yo. Ilang taon na ba? Nakawala ba ako?" sabi ko sa kanya. Ngumise ito.

"Hindi. Kasi hindi ako papayag. I will always preying you no matter what happens. I am your predator," bawat bigkas niya ay para akong matutunaw sa mga titig niya. Bakit ba ganyan siya makatingin? He always looked at me as if I was the only girl in the world.

Napailing ako kasabay no'n ang pagdampi ng labi ko sa labi niya. Mabilis lamang iyon dahil agad din akong nagsalita.

"And I am your prey gano'n?"

"Yes," agad na sagot nito.

"Naku! Itulog mo nalang iyan!" I said, half smiling. Pero ang totoo niyang ay naiilang ako sa mga titig niya. Palagi niya naman itong ginagawa but I am still not used to it. Para parin akong teenager na nahihiya sa tuwing tinitingnan niya ako ng ganyan.

"Ayoko pa. I want this," sabi niya at nagulat nalang ako ng bigla niya akong kubabawan. Napatili ako sa ginawa niya so he immediately covered my mouth with his huge hand.

"Don't, baka marinig tayo," he said while grinning.

Tinulak ko siya pero ang loko ngumise lang at hindi hinayaan ang sarili na makalayo sa'kin. I glared at him.

"Don't you dare Cadris," may diing pagkakasabi ko. He gave me a peck on my lips.

"Please...," he begged. The way he said it ay parang madadala ako. He used his charm huh?

Preying HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon