Chapter 16

303 24 1
                                    

+++++

Scared

Ilang beses ko siyang tinry kausapin pero palagi niya akong iniiwasan. He was damn furious about what happened in the event. Wala naman kaming ginawang masama ni Diego but still he got mad at me. Yes, naiintindihan ko siya kasi nagseselos siya. Pero tatlong araw na ang nakalipas hindi niya parin ako kinakausap!

Nandito kami ngayon sa room at hindi pa dumadating ang professor namin. We waited thirty minutes more but still no Sir Samis came in. Me and my friends decided to go to cafeteria to buy some foods.

While on our way, I feel like someone following us. I didn't bother to turn my gaze at my back but I have this feeling that there's something wrong. Kinakabahan ako sa hindi malamang kadahilanan. Tiningnan ko ang mga kaibigan ko, natural lang ang paglalakad nila. Ako lang yata itong napaparanoid at wala naman sigurong masamang mangyayari sa amin dahil nasa school kami. Who would dare to make a big debacle here?

Nang makapasok kami sa Cafeteria dumeritso kami sa unahan para pumili ng kakainin. In my peripheral vision, I saw a man in a suit standing at the edge of this room. Bigla akong kinabahan dahil ito ang mga taong humahabol sa amin ni Cadris. They're here and how the hell it happened? Paano sila nakapasok dito?

"Girl, okay ka lang?" Bryan asked me. Hilaw na ngiti ang ibinigay ko sa kanya dahil sa takot na bumabalot ngayon sa buong katawan ko.

"Bumalik na tayo sa room," sabi ko sa mga ito at agaran naman ang pagsagot nila. Mabilis naming tinungo ang pinto ng cafeteria pero huli na dahil hinarangan kami ng mga taong nakaunipormi. Kung bibilangin ay higit sampu sila.

"Hexa Louise Mabaquiao, where is your mother Lowisa Mabaquiao?" tanong ng lalaking mukhang head nila. Napalunok ako ng laway ko habang nakakapit sa braso ni Bryan ng mahigpit.

"H-Hindi ko alam," sagot ko pero nagulat ako ng bigla niya akong higitin palapit sa kanya. Napapikit ako sa sakit na naramdaman ko sa braso ko dahil sa ginawa niya. Sapilitan niyang ginawa iyon at alam kong magkakapasa ako.

Lahat ng tao sa paligid ay napatingin na sa'min. Pero hindi ko magawang huminge ng tulong dahil natatakot ako.

"Hex...," rinig kong tawag ni Phayne at bakas sa boses nito ang takot.

"Sabihin mo sa'min kung nasaan ang Mama mo!" this man shouted at me dahilan para mapapikit ako.

Natatakot na ako sa kanya and anytime my tears will fall.

Bakit ba kasi nila hinahanap si Mama? Anong kinalaman nito sa kanila?

Damn, Cadris, please save me. Please...

"Huwag niyo namang saktan ang kaibigan namin!" Kristie cried and like me she was damn scared too. Nagulat ako ng sampalin niya ang kaibigan ko. And now I am praying that someone will help us out here. Natatakot na'ko.

"Shut up!"

Lahat ng tao sa Cafeteria ay nagsinghapan. Damn, wala man lang bang nagsumbong sa Head? Are they even allowed to enter our school?

Rinig ko ang mahinang hikbi ng kaibigan ko. Gusto kong aluhin si Kristie dahil alam kong masakit ang ginawang pagsampal sa kanya. Napaigik ako ng hawakan niya ng mahigpit ang braso ko.

"Tell me where your mother is!" sigaw nito.

"Hindi ko po alam!" I cried. Hindi ko na kaya, I let my tears fall. Halos manginig ako sa takot dahil hindi ko alam kung anong kaya nilang gawin. Baka hindi lang sampal ang abutin namin.

Preying HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon