Chapter 6

483 43 16
                                    

+++++

Begged

Napahinto ako sa paglalakad ng may dalawang bisig na sumalubong sa'kin pagkababa ko. Mga bisig na dati naring umaalo sa'kin kapag may problema ako. And now, he is hugging me as if we were okay. I tried to push him but I failed. He is too strong for me. Lalaki siya babae ako at hindi ko kayang pantayan ang lakas niya kaya wala akong nagawa kundi ang hayaan siyang yakapin ako. He is really determined to hugged me tightly.

"I'm sorry...," he uttered softly. Bumuhos ang luha ko na pilit kong pinipigilan. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapahagulgol sa sobrang sakit at pait ng aking nararamdaman. Hindi dapat ako sa kanya umiiyak pero bakit sa kanya parin ang landing ko? I should hate him because he is the reason why I am in pain, why I am so hurt right now. Pero bakit nagiging magaan ang pakiramdam ko sa bawat haplos na ibinibigay niya sa likod ko?

"I'm sorry, I didn't know."

Suminghot ako bago ko siya itinulak palayo. Sinuntok ko ang dibdib niya ng subukan niya ulit na lumapit sa akin. Sa sobrang inis at galit ko ay sinampal ko siya.

"I hate you, I hate you! Bakit bumalik ka pa! Bakit nagawa mo pang magpakita!" I cried.

Sana hindi nalang siya bumalik para hindi ako nasasaktan ng ganito.

Napaupo na'ko sa harapan niya dahil ramdam ko na ang panghihina ng mga tuhod ko. Wala na akong lakas pa para tumayo ng matagal at harapin siya. Sobrang hina ko talaga pagdating sa kanya.

"I hate you very much! Kung hindi mo'ko sinaktan, hindi mawawala ang Papa ko. Kung hindi ako nagpakatanga sa'yo hindi sana kami magkaaway ng Mama ko. Hindi sana ako nahihirapan na kausapin siya kapag kailangan ko ang tulong niya. Naiinis ako sa'yo na umabot pa sa puntong gusto kitang patayin sa isip at puso ko para makalimutan na ang lahat!"

Naalala ko na naman ang nangyari sa'kin. Sobrang kawawa ako na iyong tipong nakaya ko pang mamalimos sa babaeng mahal niya. Na nilunok ko ang pride ko para lang bumalik siya sa'kin. Kahit ako na ang nasaktan dahil niloko niya ako, nagawa ko parin iyon sa kanya. Ganoon ako katanga sa isang Cadris Ford Montenegro, na kulang nalang ay pati sarili ko ibigay ko sa kanya para lang huwag niya akong iwan. Pero wala e, iniwan niya parin ako. And now that he's back. Gagambalain niya ulit ako? Gawing sunod-sunuran niya? Gawing tanga?!

"If I could turn back the time Hex, gagawin kong tama ang lahat ng naging mali ko. I will choose you and I regretted that I chose Dara over you."

Parang may malaking punyal na sumaksak sa puso ko dahil sa sinabi niya. Tumayo ako at hinampas ulit siya. "Gago! Napakagago mo! Alam mong hindi mo na maibabalik pa ang nakaraan. You are the one who chose that path and you will never ever bring the past back Cadris!" I exclaimed. Sana nag-isip siya bago magdesisyon. Sana inisip niya ako bago niya piliin si Dara pero hindi e. Hindi niya inisip na masasaktan ako, na mawawasak ako sa gagawin niya. He chose to be happy with someone else while I am suffering because he left me.

"I know. I know and I really am sorry. Please... give me another chance. I will make it up to you. Kung gusto mo akong pahirapan, it's okay with me basta kausapin mo lang ako. Hindi ko kayang ganito na iniiwasan mo'ko. Hindi ko kaya, damn! Nababaliw na'ko kung ano pang pwedi kong gawin para makuha ko lang ang atensiyon mo."

Umiling ako at ngumite sa kanya. "Huwag ka ng mag-abala pang habulin ako kasi kahit kailan hindi na ako magiging iyo. Minsan mo ng winasak at pinaglaruan ang puso ko. Once is enough Cadris, so stop the hell out of this," sabi ko sa kanya. At ganoon nalang bumagsak ang balikat nito sa sinabi ko.

"Hex... please. Magalit ka sa'kin kung gusto mo basta payagan mo lang akong makalapit sa'yo."

"I'm begging too Cadris. Stop playing with my feelings and stop playing with my heart. I'm already tired of loving you. Pagod na'ko and I already gave you up," sabi ko bago siya talikuran. Pero bago ako makaalis ng tuluyan ay may sinabi pa ito. Napapikit nalang ako ng wala sa oras.

Preying HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon