+++++
Chance
Huminto ang sasakyan sa harapan ko at lumabas doon si Cadris. Kinaladkad niya ako papasok at mabilis na kinuha ang bulaklak na nalaglag ko kanina bago pumasok ng sasakyan.
Inilagay niya iyon sa backseat pagkatapos ay sinimulang paandarin ang engine. Wala kaming imikan habang bumabyahe. Seryoso din ang mga tingin nito sa daanan samantalang ako ay gustong-gusto kong ibuka ang bibig ko at kausapin siya. Gusto ko lang magpasalamat and at the same time to say sorry. Hindi ko alam kung bakit gusto kong humingi ng sorry basta 'yong isip at puso ko na ang nagsasabi na, say sorry to him.
Napabuntong hininga ako ng malalim para kumuha ng lakas ng loob. I looked at him and I started to open my lips to utter a word.
"Cadris..." tawag ko dito pero hindi man lang niya ginawang sulyapan ako.
"Cadris..."
And for the second time para akong baliw na kinakausap ang hangin. Hindi niya parin ako pinapansin at seryoso ang tingin nito sa daan. So ito pala ang pakiramdam kapag hindi ko siya pinapansin? Masakit and at the same parang dinudurog 'yong puso mo.
"CADRIS!" I shouted his name pero wala parin. I started to get annoyed.
Wala ba talaga siyang balak na pansinin ako? Pagkatapos niya akong halikan ay ganoon nalang?
"Ihinto mo ang sasakyan!" inis na sabi ko pero anak lang ng tipaklong patuloy parin ito sa pagdadrive.
"Ihinto mo ang sasakyan o tatalon ako dito?!" I shrieked. Naiinis ako. Ewan ko ba, dahil hindi niya ako pinapansin? Tsk. Ako na nga iyong nag-initiate na kausapan siya tapos hindi niya pa ako papansinin!
"F*ck!" mura nito at mabilis na inihinto ang sasakyan sa isang madilim na lugar na walang gaanong ilaw at bahay.
Mabilis kong binuksan ang pinto at lumabas. Nakita ko naman ang pagsunod nito kaya hindi ko mapigilan ang mapangiti.
"Angel!"
Ngayon ikaw naman ang kumukuha sa atensiyon ko pero kanina ayaw mo kong pansinin! Ang choosy din ng lalaking ito.
"Angel!" he shouted again kaya hinarap ko siya.
"What?!"
"Saan ka pupunta?"
"Sa lugar kung saan wala ka!"
"Damn it! Delikado dito! Iuuwi na kita."
Napataas 'yong kilay ko. Saan niya ako iuuwi? Sa bahay niya o sa bahay ko?
"Ayoko pang umuwi," I simply said.
"Fine! Sasamahan kita. Pero bumalik ka na sasakyan at sasamahan kita kung saan ka pupunta," he finally said.
"Okay."
Nauna akong maglakad sa kanya at hindi ko na naman maiwasan ang mapangiti.
Seriously Hexa? Tuwang-tuwa ka yata sa nangyayari ngayon?
Parang ganoon na nga ang nangyayari. I'm happy that's all. Hindi ko kayang iexplain basta ang masasabi ko lang masaya ako.
"Saan mo gustong pumunta?" he seriously asked.
Kakausapin din pala ako kailangan pang may ganoon eksena na lalabas ako ng sasakyan. Ang arte din ng isang ito eh.
"Dito lang."
Nagtatakang tiningnan niya ako. Why Cadris? Ayaw mo ba?
"Okay..." he said. At isang nakakabingeng katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Nakatingin lang ito sa harap at ako naman ay nilalaro-laro ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung paano uumpisahan. I want to talk to him. I want to say something pero hindi ko alam kung paano.

BINABASA MO ANG
Preying Her
ActionHexa Louise Mabaquiao, was stuck in the past. She was afraid to risk that she might lose again. She became a useless person way back after Cadris Ford Montenegro left her. And now that he's pursuing her, she doesn' t know what to do because he is to...