MATT
"Kuya Matt! Kuya Matt!" Tawag sa akin ng mga bata sa kalsada nang makita nila akong naglalakad.
Kaagad naman akong lumuhod sa harapan nila bago ko kunin ang mga candy na nasa bulsa ng pantalon ko.
"Oh, heto. Tig isa kayo, hah?" Sabi ko sa kanila bago ko ibigay ang mga yun sa kanila.
"Salamat po!" Magkapanabay na sabi nila sa akin at masayang binuksan ang candy nila.
Ginulo ko ang mga buhok nila bago ako tumayo. Doon ako naka kita ng babaeng papalapit sa amin.
"Hay! Kayong mga bata kayo talaga." Tila pagod na sabi nito sa mga batang binigyan ko ng candy.
Nang matapos itong huminga nang sunud-sunod ay tinignan niya ako, "Matt, pasensya ka na sa mga batang yan. Ang kukulit na!" Sabi niya.
Kaagad naman akong ngumiti at umiling, "ano ka ba Ate Mai, okay lang. Ang cute-cute kaya nila." Sabi ko sa kanya bago ko ulit guluhin ang buhok ng mga bata.
"Ay siya nga pala, pinapatawag ka ni Kapitan." Sabi niya bago sinenyasan ang mga batang lumapit sa kanya.
Kaagad namang kumunot ang noo ko, "bakit daw, Ate?" Tanong ko sa kanya.
"Ewan ko, may sasabihin yata sayo." Sagot niya bago hawakan ang likod ng mga bata, "osige na, Matt at paliliguan ko muna ang mga 'to. Ang aasim na oh, hmp!" Naka tawang sabi ni Ate Mai.
Kaagad naman akong tumango sa kanya bago ako nag-wave ng kamay sa mga bata.
Tinignan ko muna sila habang naglalakad sila palayo at nang hindi ko na sila makita ay naglakad na ako papunta sa barangay hall.
Doon na kasi ako naka tira magmula nung mangyari ang trahedyang naging dahilan nang pagka ulila ko.
"Hay! Tama na ang pag-alala, Matt Carlson Evans!" Suway ko sa sarili.
Oh, by the way, my name is Matt Carlson Evans. I'm half-half as you can notice. Labing walong taong gulang at ulila na.
I used to have a family, real family I mean pero dahil dun sa aksidente ay nawala sila sa akin.
"Kap? Nandito na po ako." Tawag ko kay Kapitan nang nasa bukana na ako ng barangay hall namin.
Kabisa ko na ito, bilang dito na nga ako naka tira. Wala na kasi ang dating bahay ng pamilya ko, nakuha ito mula sa magulang ko.
Yeah, something happened and it changed my life.
Dahil sa isang car accident ay namatay ang tatay at nanay ko. Saksi ako mismo sa trahedyang iyon dahil kaming tatlo ang magkakasama nang araw na iyon.
Araw na kung saan ay huling pagkaktaon ko na pala silang kasama.
Tandang-tanda ko pa nun, nasa back seat ako ng sasakyan namin habang sila ay nasa harapan naman.
I was busy playing the toys they bought for me that time hanggang sa bigla nalang akong naka rinig ng salpukan.
Nakarinig ako ng daing ay ako naman at may nararamdaman ding masakit. Nais ko sanang lumapit sa kanila pero hindi ko alam ang gagawin dahil naka ipit ako sa seat belt.
Konti lang ang pinsalang natamo ng munti at musmos kong katawan.
At dahil nasa harapan sila ay napuruhan sila Mama at Papa nang aksidenteng yun.
Blood was scattered all over their bodies, even mine.
Nakita ko ang isang bakal na naka tarak sa leeg ng Papa ko at ang pagka ipit naman ng kalahating katawan ng Mama ko.
BINABASA MO ANG
Dealing With The Elite Four
General FictionKilalanin si Matt Carlson Evans o Matt. Isang dise otso anyos na binatang nag-iisa na lamang sa buhay. Sa kanyang murang edad ay itinataguyod na niya ang sarili upang mabuhay. At nakakayanan niya yun dahil sa tulong ng ilang tao (lalo na ang Kapit...