MATT
"Elite College" usal ko sa pangalan ng napaka laki at lawak na kolehiyong nakikita ko.
Kaagad kasi akong nagpunta dito nang may makita akong isang papel. Siguro flyers ng school yun na nilipad lang.
"Ito na siguro yun." Sabi ko bago ako nagpapalit-palit ng tingin sa entrance ng school at nang picture nito na nasa hawak kong papel.
Malapit lang ito dun sa park kung nasaan ako kanina. Konting tanong at pagpapaturo lang ang ginawa ko at kaagad na nakita ko ito.
"Sikat siguro 'to, sana lang may scholarship program sila." Sabi ko bago ako naglakad papunta sa gate.
Pagdating ko dun ay kaagad akong pumasok dun sa parang entrance ng mall.
Oo, ganun siya.
Isang guard naman ang kaagad na lumapit sa akin habang may hawak na inspection stick.
"Good morning, Miss. Ano pong kailangan nila?" Tanong niya.
Kaagad naman akong tumingin sa likod ko at baka iba ang tinatanong niya.
Miss daw kasi.
"Miss?" Muling sabi niya habang naka tingin sa akin.
"A-Ako ho ba?" Tanong ko sa kanya habang itinuturo ko ang sarili ko.
Tumawa ang lalake, "syempre po, wala naman pong ibang nandyan kung hindi kayo." Sagot niya.
Nahiya naman ako dahil dun pero kaagad akong umiling, "h-hindi po kasi ako babae kaya akala ko ay iba ang kausap niyo." Sabi ko sa kanya.
Kaagad na napa litan ng gulat ang ekspresyon niya. "Huh?" Tanong niya bago ako paka titigan.
Ngumiwi naman ako dahil dun.
Mukha ba akong babae sa kanya? Adik yata 'to!
"G-Ganun ba? Pasensya na, akala ko talaga babae ka eh." Hingi niya ng paumanhin, "ano ba ang kailangan mo?" Sunod na tanong niya.
Oh, buti nalang at natanong niya.
"Magtatanong lang ho sana ako kung may scholarship program po ang school na 'to?" Tanong ko sa kanya.
Sana meron. Sana meron. Sana!
"Hmm, naku! Hindi ko alam ang mga ganyan." Malungkot ang mukha niyang sabi sa akin.
"G-Ganun po ba?" Malungkot na sabi ko at tumalikod na.
Bad trip, wala na naman.
"Pero pwede kitang ihatid sa registrar. Dun, pwede kang magtanong." Dagdag niya kaya mabilis pa sa alas kwatro akong napa harap sa kanya.
"Talaga po!?" Masayang tanong ko sa kanya.
"Oo naman." Sabi niya, "tara na." Dagdag niya bago ako pagbuksan ng gate.
"Salamat po, Manong!" Masiglang sabi ko bago ako sumunod sa kanya papasok sa eskwelahan.
Sana talaga meron. Pagod na ako at paubos na din ang pera ko. Ayaw ko namang gastusin ang perang ibinigay sa akin ni Nay Laida, ibabalik ko yun sa kanya mamaya.
...
ANG GANDA!
No, it's way beyond beautiful —it is extravagant.
Papaanong hindi ko yun sasabihin kung ganito pala ang nasa loob ng gate na yun.
"Kaya pala ang laki nitong tignan kapag nasa labas. Ito pala ang nasa loob." Sabi ko habang naglalakad kami ni Manong guard.
BINABASA MO ANG
Dealing With The Elite Four
General FictionKilalanin si Matt Carlson Evans o Matt. Isang dise otso anyos na binatang nag-iisa na lamang sa buhay. Sa kanyang murang edad ay itinataguyod na niya ang sarili upang mabuhay. At nakakayanan niya yun dahil sa tulong ng ilang tao (lalo na ang Kapit...