MATT
KAY BILIS LUMIPAS NG MGA ARAW.
Ngayong araw na ito na namin ihahatid si Nanay sa huling hantungan niya.
"Condolences, Capt." Sabi ng Pare sa Tatay ko bago niya ibigay ang holy water na nasa isang lalagyan.
Tahimik ang buong paligid. Puno ito ng mga taong nakaputi at itim. Tanda na nagluluksa sila, kagaya namin ni Tatay sa pagkawala ng isang napaka buting tao.
Nang matapos bindisyunan ni Tatay ang kabaong ni Nanay ay ipinasa niya ang holy water sa akin at ganoon din ang ginawa ko sa iba.
Hindi nagtagal ay nakarinig na ako ng mga hagulgol, partikular na ang kay Tatay nang ibinababa na ang kabaong ni Nanay.
"Laide! Oh, Liade!" Hiyaw ni Tatay bago siya mapaluhod. Doon ko na hindi napigilan ang pagpatak ng mga luha galing sa mga mata.
"T-Tay..." Tawag ko sa kanya bago ko siya niyakap.
Kasabay ng pagtangis naming dalawa at ng iba pa ay ang unti-unti paglalagay ng mga rosas, sumunod ang lupa sa hukay kung nasaan ang kabaong ni Nanay.
Hindi nagtagal ay naging patag na ang lupa. Nakaluhod parin ang Tatay ko at patuloy na umiiyak.
"Mauna na kami, Matt. Nakikiramay kami sa inyo." Sabi ng isa sa mga kumare ni Nanay na umiiyak din.
Isa, dalawa, tatlo. Hindi ko mabilang kung ilan ang mga tao kanina na sumakop sa buong lugar ngunit ngayon ay unti-unti na silang umaalis, nawawala.
"Mahal na mahal kita, Laide. Mahal na mahal." Dinig kong sabi ni Tatay.
Akala ko ay madali lang ang mga ganito. Na makita at ihatid mo mismo ang mahal mo sa buhay sa kanyang huling hantungan pero hindi.
Kay sakit.
Masakit pa sa pagkakaroon mo ng sugat at gasgas.
Mas masakit pa sa mga panunuksong iyong narinig.
Mas masakit pa sa mga palo niya sa akin noong bata pa ako.
Ang sakit. Sobrang sakit.
But at the end of the day, wala ka mang magawa.
Kailangan mong harapin at dapat mong tanggapin na wala na ang isang taong iyon.
Oo, wala na siya pero hindi sa puso.
Mananatili siya sa puso mo.
Wala man siya sa mundong ito, hindi mo man na makikita ang kanyang ngiti, hindi mo man matitikmang muli ang kanyang luto, hindi ibig sabihin ay kakalimutan mo na siya.
Hindi dahil lagi at mananatili siya sa puso mo.
"Tay..." Tawag ko kay Tatay.
Tumingin siya sa akin at tumayo, "ang daya ng Nanay Laide mo. Sabi ko ako dapat mauna o kaya dapat sabay kami pero anong ginawa niya, nauna siya." Garalgal ang boses na sabi ni Tatay sa akin.
Ayaw ko mang umiyak pang lalo ay hindi ko mapigilan. Hinayaan kong umagos ang lahat ng luha ko.
"W-Wala nang gigising sa akin tuwing umaga. Wala nang magluluto ng masarap na ulam. Wala na siya, wala na si Nanay Laide." Umiiyak na sabi ko.
BINABASA MO ANG
Dealing With The Elite Four
Ficción GeneralKilalanin si Matt Carlson Evans o Matt. Isang dise otso anyos na binatang nag-iisa na lamang sa buhay. Sa kanyang murang edad ay itinataguyod na niya ang sarili upang mabuhay. At nakakayanan niya yun dahil sa tulong ng ilang tao (lalo na ang Kapit...