LIAM
After almost a lifetime knocking, the door has finally opened, making me smirk in delight.
"Finally" I said just to meet Matt with a shocked face.
Hindi nga ako makapaniwala na dito siya naka tira.
Halos suntukin ko si Jake dahil akala ko ay nagbibiro lang siya pero hindi pala.
Dahil ang pinapahanap ko'y nasa harapan ko mismo ngayon, suot ang may pagka luma man na damit ay nagmumukha paring magandang tignan dahil siya ang may suot.
Ganun lang kasimple, how should I put it ba? Well, gumaganda ang bagay kahit na luma kapag suot niya. Yun!
Mabilis ko namang iniharang ang paa ko nang magtangka siyang pagsarhan ako ng pinto.
Not that easy.
Nagulat ako nang bigla siyang umatras at umiyak. "U-Umalis k-ka na..." Sabi niya sa akin.
Bigla at mabilis na naman siyang umatras nang humakbang ako papunta sa kanya.
Was he traumatized?
"H-Hey, calm down." Sabi ko sa kanya.
Mabilis naman ang mga naging pag-iling niya, "h-hindi. U-Umalis ka na." Muling sabi niya.
"Matt, come on." Sabi ko naman sa kanya.
"Umalis ka na! Alis!" Sigaw niya sa akin bago siya tumakbo papunta sa hagdan.
"Matt!" Sigaw ko bago ko siya sinundan.
Damn virgin!
He was about to close the door to what it seemed to be his room but I immediately stopped it.
"Ngh!" Daing ko nang maipit ang kamay ko.
"U-Umalis ka na." Muling sabi niya, dama ko parin ang pag-iyak niya.
"O-Open the door widely, Matt." Sabi ko sa kanya.
Ang sakit na ng kamay ko dahil sa paggitgit niya sa pintuan.
"T-Tama na, u-umalis ka na." Garalgal ang boses na sabi niya sa akin habang patuloy parin siya sa pagsara ng pinto and it hurts!
"I won't do anything, damn it!" Singhal ko sa kanya.
"Hindi! Wala akong paki, nagsi-sinungaling ka!" Sigaw niya sa akin.
Napapalatak naman akong umiling bago ko hinawakan ang hangganan ng pinto at itinulak yun papasok.
"H-Hindi!" Sigaw ni Matt habang pinipilit na isara yun muli.
Naiinis na itinulak ko iyon kaya naka rinig ako ng pagbagsak.
"Matt?" Tawag ko nang mabuksan ko ang pinto.
Kaagad namang dumako ang tingin ko sa dumadaing. "A-Awww..." Naka ngiwing sabi niya habang baka upo sa sahig na gawa sa plywood.
Kaagad ko naman siyang nilapitan at hinawakan, para sana itayo pero mabilis niyang pinalis ang kamay ko.
"D-Don't touch me!" Sigaw niya sa akin bago niya yakapin ang mga tuhod niya.
Patuloy parin siya sa pag-iyak.
"You're acting like a damn girl, you know." Sabi ko sa kanya bago ko iginala ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto niya.
It's small, hindi man nga nangalahati ito sa kwarto ko.
"I didn't expect you to live in a place like this." Sabi ko bago ako umupo sa kama niya.
BINABASA MO ANG
Dealing With The Elite Four
General FictionKilalanin si Matt Carlson Evans o Matt. Isang dise otso anyos na binatang nag-iisa na lamang sa buhay. Sa kanyang murang edad ay itinataguyod na niya ang sarili upang mabuhay. At nakakayanan niya yun dahil sa tulong ng ilang tao (lalo na ang Kapit...