Third person...
Maagang nagising si Matt nang umagang iyon. Sabado noon at wala siyang pasok. Bumangon siya at kaagad na nagtungo sa banyo gaya nang nakagawian niya.
Matapos ang ilang saglit ay lumabas siya habang nagpupunas ng kanyang mukha. Hindi siya nagmamadali dahil wala naman nga siyang pasok at wala din siyang inaalala dahil tapos na ang mga assignments at outputs na kailangang isumite.
Tapos na din ang isang linggong university festival at long weekend pa dahil may memorandum na nagsasabing wala silang pasok sa Lunes.
Bilang rest day dahil sa pagod na natanggap nila sa mga gawaing ginawa nila sa university.
Matapos niyang matuyo ang kanyang mukha ay nagsuklay siya. "Mahaba na naman ang buhok ko." Sabi niya habang tinitignan ang kulot niyang buhok sa salamin. Lumabas din siya matapos non.
Pagbaba niya ay may narinig siyang tila nag-uusap. Napa isip siya sa kung sino ang kausap ng kanyang Tatay. Kilala niya ang boses ng kanyang tatay kaya sigurado siya na isa ito sa dalawang nag-uusap ngunit hindi siya sigurado sa kung sino pa ang isa.
Ilang hakbang pa ang ginawa niya bago siya nakadating sa may sala, kung nasaan ang kanyang Tatay at ang kausap nito.
Ganoon na lamang ang gulat niya nang makitang si Liam pala ang kausap nito. Nakatagilid siya mula sa nakikita ni Matt habang ang tatay naman niya ay nakaharap sa kanyang direksyon.
Bakit nandito siya? Tanong niya sa kanyang sarili.
Naisip niyang wag na lang magpunta doon pero huli na nang lumingon ang kanyang Tatay sa direksyon niya at tawagin ito. Napaharap si Liam.
"Matt, gising ka na pala." Sabi ng kanyang Tatay. Napangiwi naman siya at dahan-dahan na naglakad papunta sa dalawa.
"Opo." Sabi nalang ni Matt at nag-iwas ng tingin sa bisita nila.
Mabuti nalang at nakapag hilamos na ako. Muling sabi ni Matt sa kanyang isip.
"Oo nga pala, nag-usap kami nitong si hijo. Nagulat nga ako't ang aga niyang nasa harapan ng bahay natin kaya pinapasok ko siya." Pagku-kwento ng Tatay niya sa kanya.
Tumango naman siya, "nag-almusal na ba ho kayo? Gusto niyo ba ng kape?" Tanong ni Matt sa Tatay.
"Ah, oo. Nagkape na ako, buti pa't ipagtimpla mo nalang itong si pogi ng kape. Tapos sabay na kayong kumain, may almusal na din naman doon sa mesa." Utos ng Tatay niya.
Ko-kontra na sana siya sa utos pero mabilis na tumayo ang kanyang Tatay na doon niya lamang napansin na nakasuot pang-alis.
"Matt, maiwan ko muna kayo. May meeting kasi akong pupuntahan sa may munisipyo." Sabi ng Tatay niya.
"H-Ho?" Tanging sabi niya.
"Asikasuhin mo muna si hijo, total ikaw naman talaga ang sinadya niya." Sagot nito sa kanya at naglakad papunta sa pinto, "oh paano, una na ako." Paalam ng Tatay niya bago ito tuluyang umalis.
Patay. Sabi ni Matt sa isip niya.
...
Tahimik silang dalawa nang maiwan sila sa sala. Walang imik, walang kibo. Tila may anghel na dumaan.
"Buti't napadalaw ka?" Pambabasag ni Matt sa katahimikan. Matapos nun ay tinignan niya ang bisita niya.
Ayos naman ito, gaya nang nakasanayan niyang makita. Gwapo si Liam, hindi niya iyon ikaka-ila.
Naka shorts ito na maong at tinernuhan niya iyon ng polo-shirt. Sa ibaba naman ay sandals na kulay itim ang suot niya.
Hindi din niya nakaligtaang pagmasdan ang mga tattoos na nakalitaw dahil shorts lamang ang suot niya.
"Well..." Sabi ni Liam kaya bumalik ang tingin niya dito.
"Well... What?" Tanong niya muli.
"I just wanted to see you." Tuwid na sabi ng binata sa kanya na hindi niya inaasahang sabihin nito.
Napalunok naman siya at matapos ay kinuha ang tasa na may kape at mabilis na sumimsim doon, kaya siya napaso.
"A-Aww!" Daing niya at mabilis na inilapag ang tasa sa mesa, at matapos ay hinawakan ang labi niya.
"You're such a clumsy guy." Sabi ni Liam sa kanya. Nagulat naman si Matt dahil nang muling dumako ang tingin niya sa kanyang bisita ay nakangiti na ito habang tinitignan siya.
Tsk. Sa isip niya.
"Any way, I came here to formally apologize." Sabi ni Liam sa kanya kaya natahimik siya.
"Apologize for what?" Kaila niya bago niya ibinaba ang tasa ng kape.
Tumikhim naman si Liam at tumingin sa kanya, "w-well... About last time. You know... for calling you—"
Hindi na niya hinayaang ipagpatuloy pa ni Liam ang sasabihin niya. "It's okay." Sabi nalang niya dito.
Tumango naman si Liam ngunit tila hindi siya kumbinsido sa kanyang sagot kaya niya ito tinapik sa braso.
"Don't mind it, Liam. Okay na ako, and at least you apologized to me." Pangungumbinsi niya dito. "Really..." Sabi niya pa.
Tumango naman si Liam at ngumiti. "Well, if that's what you want me to believe, I will believe it." Sabi pa nito.
"Pero, yung totoo, buti at napadalaw ka?" Tanong ni Matt sa kanyang bisita.
"Well, I kind of wanted to meet you actually." Sagot naman ni Liam. "Remember the store where we ate back then?" Tanong nito.
"Ahh, oo! Kamusta naman pala sila?" Tanong ni Matt nang maalala ang isang store kung saan sila kumain ni Liam noon.
"Ayos naman sila, natanong ka lang nila sa akin so I wanted to ask if you can go there with me and... eat." Sabi ni Liam.
Napa taas naman ng kilay si Matt. "Uhmmm, medyo malayo and I don't have a car to go there." Sagot niya.
"That's what I am here for, stupid." Naka ngiting sabi ni Liam, "and that's why I'm asking if you can." Dagdag pa niya.
"I can, if you'll let me hop in." Sagot ni Matt.
"Of course." Sabi naman ni Liam.
"Okay. Wait for me and I'll just take a quick shower." Sabi ni Matt bago siya tumayo, "pero after nun, punta muna tayo kay Tatay para magpaalam." Dagdag pa niya bago siya patakbong umakyat sa kanyang kwarto.
Tango nalang ang nagawa ni Liam habang naka ngiting naka tingin sa direksyon ni Matt.
~THE END~
BINABASA MO ANG
Dealing With The Elite Four
General FictionKilalanin si Matt Carlson Evans o Matt. Isang dise otso anyos na binatang nag-iisa na lamang sa buhay. Sa kanyang murang edad ay itinataguyod na niya ang sarili upang mabuhay. At nakakayanan niya yun dahil sa tulong ng ilang tao (lalo na ang Kapit...