XXXIX : Liam is jealous

8.8K 379 80
                                    

MATT

"S-Sandali, Liam. Sandali lang!" Sabi ko sa kanya dahil halos madapa-dapa na ako sa kahahatak niya sa akin.

Nakalabas na kami ng Elite Field dahil sa pagmamadali niya.

Ano ba ang sasabihin niya?

"Why are you here?" Biglang tanong niya sa akin nang bitawan na niya ako.

Kumunot ang noo ko sa tanong niya, "anong why are you here? Hindi ba obvious? Nag-aaral ako." Sagot ko sa kanya tapos ay hinilot ko ang kamay ko na hinawakan at hinatak niya.

"S-Sorry for that." Sabi niya, nakita niya siguro ang paghilot ko sa kamay ko.

"That's fine, bakit mo ba ako hinatak? Ano bang sasabihin mo?" Tanong ko sa kanya.

"Bakit pumasok ka na?" Tanong niya sa akin.

"Pinayagan na ako ni Tatay, tyaka madami na din kasi akong na-missed." Sagot ko.

"Pero kaka—" hindi ko na siya pinatapos dahil kaagad akong nagsalita.

"Okay na ako, Liam. I swear, I'm okay." Sabat ko.

"Matt..." Biglang sabi ng kung sino sa likuran ko kaya napa tingin ako.

It was Peter.

"Oh, hello! Kamusta na?" Tanong ko sa kanya.

Peter was about to say something when Liam butted in.

"What the fuck are you doing here?" Tanong nito na ikinagulat ko.

"Why? Am I not allowed to go here and do what I want?" Tanong ni Peter, "the last time I remember, I'm a student here and I am entitled to do what I want." Dagdag pa niya.

Napa tingin naman ako kay Liam at nagtaka kung bakit parang naiinis ang ekspresyon ng mukha niya.

"What's with you, bro?" Tanong ni Peter.

"Shut up." Sagot ni Liam.

"That's rude, Liam!" Saway ko sa kanya at hinatak siya palayo.

"I'll talk to you soon, Peter! Bye for now!" Sigaw ko kay Peter bago namin siya iwanan.

.....

"Bakit ganun ka kay Peter? Wala namang ginagawa yung tao sayo." Tanong ko kay Liam nang kaming dalawa nalang.

Nasa may garden kami ngayon, wala kasi akong alam na lugar kung saan walang tao kaya dito nalang.

Humarap siya sa akin, "bakit mo ba siya kinakausap?" Tanong nito, bakas ang pagka irita sa boses.

"Huh? What's wrong with talking to him?" Tanong ko sa kanya.

"Wala!" Sagot niya sa akin.

"Liam, nakaka inis kana!" Sigaw ko sa kanya. Napaharap siya sa akin.

"Fine! Fine!" Sigaw niya ulit at walang ano-anong naglakad palayo sa akin.

Sa inis ko ay naglakad ako taliwas sa direksyon na pinuntahan siya.

I don't know why he's acting like that. Bahala siya sa buhay niya.

LIAM

BULLSHIT!

Bakit ba ako naiirita?

Mabilis na ipinilig ko ang ulo ko, I can't be like this. This is so unusual of me.

"Fuck!" Sigaw ko kahit na nasa gitna na ako ng hallway ng college kung nasaan ako ngayon.

Dealing With The Elite FourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon