MATT
"Ang anak ko, ke-gwapo-gwapo talaga!" Naka ngiting sabi sa akin Nay Laida nang maka baba ako.
Papasok na kasi ako ngayon at sobrang excited na ako!
"Nay, hindi naman." Awat ko sa kanya, medyo nahihiya kasi ako.
"Hay naku! Bakit ka naman mahihiya? Totoo naman, 'di ba Domeng?" Tanong ni Nay kay Tay.
"Aba syempre! Nagmana yata yang batang yan sa akin." Sabi ni Tay na kaagad namang kinurot ni Nay sa tagiliran.
"Magtigil ka nga dyan." Natatawang sabi ni Nay Laida sa kanya.
Umiiling naman ako sa kanila. Well, at least hindi kagaya kahapon ang eksena ngayon.
Kahapon kasi nung pag-uwi ko ay nag-aabang pala sila sa akin. Kaya nung sinabi ko na tanggap ko at ipakita ko yung ID ko at registration form ay kaagad na naiyak si Nay.
Tumagal pa nga yun nang hanggang gabi kaya hanggang ngayon ay mugto pa ang mga mata niya.
Nang tanungin ko siya kung bakit naiyak siya ay dahil daw sa wakas ay makakapag aral na ako. Tapos ay proud na proud daw siya sa akin, nila ni Tay Domeng.
"Nak, kumain ka na." Sabi sa akin ni Nay kaya sabay-sabay kaming tatlo na umupo sa hapag kainan.
"Maraming salamat po sa biyayang ibinigay niyo. Nawa'y hindi kayo magsawa at lagi kaming gabayan sa pang araw-araw naming buhay. Sa ngalan ni Jesus, Amen." Dasal ko bago kami nagsimulang kumain.
"Anak, ano pala ang kinuha mong kurso doon?" Tanong sa akin ni Tay.
"B.A. po ang kinuha ko, Tay." Sagot ko sa kanya.
"B. A.?" Tanong sa akin ni Nay.
Ngumiti naman ako bago ko inilapag ang kutsara sa plato niya, "Business Administration po yun, Nay. Tungkol ho sa business." Paliwanag ko sa kanya.
( A/N: NATAWA naman ako sa sinulat kong paliwanag. Malamang, tungkol talaga sa business yun, business ad. eh? Bwahahaha )
"Ah, ganoon ba?" Sabi sa akin ni Nay, tumango naman ako sa kanya.
"Osiya, kumain ka na at baka ma-late ka pa." Sabi sa akin ni Tay Domeng.
Nagpa tuloy naman ako sa pagkain. Kaagad din akong natapos kaya nag-toothbrush pa ako ulit.
Mahirap na't baka may maiwan pang tinga sa mga ngipin ko. Not that there's something wrong about my teeth, ang perfect nga nila.
Puti at pantay-pantay.
Natawa pa ako nang magpumilit na sumama sa akin si Nay hanggang sa labas ng bahay.
Hinayaan ko nalang siya at nang bago ako sumakay sa tricycle na pinara naman ay yumakap muna ako sa kanya at nagpa alam.
Sinabihan ko siyang wag magpagod tapos ay kumaway ako kay Tay Domeng na naka tingin sa amin.
At gaya kahapon ay nasa loob na ako nang napaka ganda at laking Elite College.
Ang pang mayaman na kolehiyo. Oo, alam ko yun. Puro kasi mapipinong gumalaw ang narito, tas ang puputi ng mga balat, pero meron din namang moreno.
Ako, hindi ko alam ang kulay ng balat ko. Ang alam ko lang ay hindi ako mayaman gaya ng mga mag-aaral dito.
Dala ang bag ko na may papel at notebook ay naglakad ako papunta sa building namin.
Hindi naman ako nahirapang hanapin ang room ko na papasukan dahil may map naman ako.
Room 4 (B.A. I-2)
BINABASA MO ANG
Dealing With The Elite Four
General FictionKilalanin si Matt Carlson Evans o Matt. Isang dise otso anyos na binatang nag-iisa na lamang sa buhay. Sa kanyang murang edad ay itinataguyod na niya ang sarili upang mabuhay. At nakakayanan niya yun dahil sa tulong ng ilang tao (lalo na ang Kapit...