L : The SHOW

6.4K 284 9
                                    

Third Person's

Masayang pumasok sa loob sina Matt at Heidy. Pinagmasdan nila ang mga makukulay na palamuti na nailagay sa iba't ibang parte ng unibersidad.

"Ang galing naman ng naka isip ng mga ito." Masayang sabi ni Heidy kay Matt.

"Oo nga, at ang bilis din nilang nailagay ang mga 'to." Sagot naman ni Matt sa kaibigan.

Muli silang nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makakita silang dalawa ng mga estudyanteng naka costume.

May iba't ibang uring damit silang suot.

"Ahh, dito siguro yung café themed booth ng mga kasamahan ko sa cheering squad." Sabi ni Heidy sa kaibigan bago sila muling nagpatuloy sa paglalakad at pagtingin.

Ilang saglit pa nang paglalakad ay nakapunta na sila sa kanilang building. "Matt, let's meet later. You know, I have to go to my team mate para sa practice namin." Sabi ni Heidy kay Matt.

Tumango ang binata, "sige, kailangan ko na ding pumunta sa club. Doon kasi ang meeting place namin." Sabi naman ni Matt.

Tumango ang dalaga at naunang umalis, "break a leg, Matt. Kaya mo yan!" Pagche-cheer ng dalaga kay Matt bago ito tuluyang naglakad.

...

"Let's just wait for Matt." Sabi naman ni Peter sa kapwa niyang estudyante na parte ng glee club.

Tapos na ang lahat.

Naayos na at nasa tamang lugar na ang kanilang instrumento at tanging si Matt na lang ang hinihintay.

Lumapit sa kanya ang bise presidente ng club, "Pres, nasaan na ba si Matt? That is so unprofessional of him. Siya pa naman ang opening." Himutok nito.

Ngumiti naman si Peter sa kanya, "he's here, look." Sagot niya kung kaya't napatingin ito sa tinutukoy niya, si Matt.

"I-I'm sorry, late ako." Nahihiyang sabi ni Matt sa lahat.

"It's okay, hindi pa naman nagsisimula." Sabi ni Peter kay Matt bago ito tumalikod upang harapin ang lahat.

"Okay, glee club. This is it! I'm sure na kinakabahan kayo but that's natural." Sabi ni Peter, "but make sure na sa simula lamang yan because we have prepared and practiced for this and I know that we can pull this off." Patuloy niya.

"Good luck and break a leg, glee club!" Dagdag niya. Matapos noon ay nagpalakpakan ang lahat.

"Let's go to the university theater." Sabi ng bise presidente.

...

MATT

The performance is about to start and I am having chills and my nervousness is killing me.

"Matt, relax." Sabi sa akin ni Peter.

Nais ko mang mag-relax gaya nang nais niya ay hindi ko yata magagawa. Madami nang tao ang nasa loob ng theater at marami pa ang pumapasok.

"You can do it, I know." Dagdag ni Peter kung kaya't kahit papaano ay nabawasan ang nerbyos na nararamdaman ko.

You can do it, Matt. May tiwala ang club members sa iyo. Nagpractice ka at may nakaalalay naman sa iyo.

"Okay, we are going to start after five minutes." Narinig kong sigaw ng isang staff na nakaalalay sa amin.

"Matt?" Sabi ni Peter bago niya iabot sa akin ang isang wireless microphone.

Dealing With The Elite FourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon