XXVI

10.5K 446 55
                                    

MATT

Dinala ako ni Liam sa mall para bumili ng sangkatutak na pagkain. May mga snacks, may heavy meals and of course, drinks.

Pinagalitan ko pa nga siya nang bumili siya ng ilang kaha ng sigarilyo pero wala, bumili parin siya.

"Okay na ba? Wala ka bang iba pang gustong bilhin?" Tanong niya nang malapit na kami sa entrance at exit ng mall.

Pinanlakihan ko naman siya ng mata, "are you alright? Ang dami na nito, dalawa lang tayo!" Sabi ko sa kanya.

Ngumisi lang siya, "I can buy this entire mall if I want to." Pagmamayabang niya.

Umiling naman ako, "tama na ang mga 'to. Tara na at pumunta na tayo sa beach!" Masayang sabi ko sa kanya bago ko siya lagpasan.

Yes! He will take me to a beach.

Nung una nga hindi ako naniniwala sa kanya but he said that he would. Besides, may kotse naman daw kami at ilang oras ang byahe.

We also took in consideration ang time dahil ayaw kaming gabihin nila Nay at Tay kaya kakain lang daw kami sa beach na puputahan namin.

(A/N: Next time daw ang swimming. Haha)

"Dahan-dahan ka at baka mahulog mo ang mga dala-dala mo." Sabi niya sa akin bago siya magsindi ng yosi.

"Don't talk to me when you're smoking and get away! Ubusin mo muna yan bago ka sumakay sa kotse mo!" Inis na sabi ko sa kanya at mas dinalian ang paglalakad.

Sabi ng ayaw kong nagyoyosi siya eh! The smell of that thing is gross at masama pa sa kalusugan.

"Bakit ba ang arte mo?" Naka tawang tanong niya sa akin nang tumigil kami sa parking lot.

Hindi ko kasi mabuksan ang kotse dahil sa dala ko. Kung bakit ba naman kasi ako pa ang nagpresinta.

"Masama kasi yan!" Sigaw na sagot ko sa kanya, "ang baho na nga tas it might bring you illness." Dagdag ko.

Umiling siya bago niya itinapon kung saan ang yosi na sinindihan niya. Nagulat man ay napa ngiti ako.

"There, happy?" Tanong niya sa akin nang ibulsa na niya ang kaha ng yosi pati ang lighter.

Hindi na ako sumagot pa at inginuso ang kotse sa kanya. "Don't do that, Matt or I might kiss you. Ang dami mo pa namang dala." Sabi niya sa akin.

Kaagad naman akong tumigil dahil sa sinabi niya. Mahirap na at baka totohanin niya pa.

"Get in." Sabi niya sa akin nang mabuksan na niya ang pinto. Pumasok naman ako at kaagad akong dumungaw sa back seat para ilapag dun ang mga dala ko.

"Your seat belt." Paalala niya sa akin kaya maagap ko iyong inayos.

Ayaw ko kasing maulit yung kanina. Nakaka hiya, I even blushed for some odd reason.

Bakit ba naman kasi ang lapit-lapit ng mukha niya kanina? Muntik na naman kaya kaming maghalikan.

"To the beach..." Sabi niya sa akin.

"Yes, to the beach!" Masayang sabi ko bago niya pinaandar ang kotse. Ilang sandali pa ay muli na naman kaming nagbyahe.

.....

Dealing With The Elite FourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon