MATT
"Oh, Matt. Kamusta?" Bati sa akin ng isang matanda, payat, at mataas na lalake. Si mang Berting, kalalabas ko lang kasi mula sa barangay hall.
"Mang Berting, ayos naman po ako. Kayo po, kamusta?" Tanong ko sa kanya.
Itinaas naman niya ang paa niya at parang sumipa-sipa siya, "heto, buhay parin." Pagka sabi niya nun ay tumawa siya na siyang ginaws ko rin.
"Osige na ho, aalis na po ako." Paalam ko dito at iniwan siya.
Barangay Paralaya ang pangalan ng barangay kung nasaan ako ngayon.
(A/N: Sorry, dahil wala akong alam na ipangalan, ginamit ko nalang yung pangalan ng barangay ko. Hehe)
Ilang sandali pa'y nasa bahay na ako ni Kapitan, malapit lang kasi ito sa barangay hall.
Dito na din ako tumitira ngayon at ako ang taga linis at bantay nito bilang munting kabayaran at pagsukli sa kabutihan nilang mag-asawa sa akin.
Ayaw nga nila nang ginagawa ko pero ang sabi ko, hayaan nila ako dahil yun na lang ang nakikita kong pwede kong itulong sa kanila.
Silang dalawa kasi ng asawa niya ang may pinaka naitulong sa akin.
"Nay Laida? Nandito na ho ako!" Sigaw ko nang maka pasok na ako sa gate ng bahay.
Nakarinig ako nang tunog ng walis ting-ting kaya nalaman ko na nasa gilid ng bahay ang Nanay.
Nanay na ang tawag ko sa kanya dahil nasanay na ako. Sabi rin kasi niya na Nanay daw ang itawag ko sa kanya at kung hindi ay magtatampo siya.
Nang makadating ako sa gilid ng bahay ay nadatnan ko dun na nagwawalis siya ng tuyong dahon.
"Nay, mano po." Sabi ko sa kanya bago ako nagmano.
"Kaawan ka ng Diyos, anak." Sabi niya, "saan ka galing? Nakita mo na ba ang Tatay Domeng mo?" Tanong niya bago siya ulit nagwalis.
Kaagad ko namang kinuha ang walis sa kanya, "opo, Nay." Sagot ko, "ako na ang magwawalis, magpahinga na kayo't baka sumpungin na naman kayo ng rayuma niyo." Sabi ko sa kanya bago ko nginuso ang upuan na nandudoon.
"Hay nakung bata ka, yan na nga lang ang ginagawa ko tas babawalan mo pa ako?" Napapalatak na sabi niya bago umupo.
"Ako na ho, Nay tyaka sabi ko naman sa inyo, magpahinga nalang kayo kasi nandito naman ako." Sabi ko bago ako nagwalis.
"Hnn, osiya. Bahala ka, pero bakit ka pala pinatawag ng Tatay Domeng mo?" Tanong niya.
"Pinapag-aral ako, Nay." Sagot ko habang naka yuko at nagwawalis.
"Edi hindi ka na naman pumayag?" Tanong niya na ikina ngiti ko.
Si Nanay Laida kasi ang master mind kumbaga nang pamimilit sa akin ni Tatay na magkolehiyo.
"Hindi po, Nay. Pumayag na po ako." Naka ngiti paring sabi ko.
"Totoo?" Gulat na tanong niya kaya hinarap ko siya.
"Opo, Nay." Sabi ko, ngumiti naman siya, "pero ang sabi ko, wag kayong gagastos."
Kaagad na pumalya ang ngiti niya dahil dun, "kasi po, mag-a-apply po ako ng scholarship program sa kolehiyong makikita ko." Paliwanag ko.
"Tyaka gastusin niyo nalang po para sa gamot at bahay ang pera niyo kaysa sa ako pa ang pagka gastusan niyo, Nay. Kaya ko po, tiwala lang." Sabi ko pa.
"Nakung bata ka talaga, oo." Sabi niya habang umiiling, tumawa naman ako.
"Nanay talaga..." Sabi ko sa kanya."Pero ako ang bibili ng gamit at uniform mo kung meron man, okay?" Sabi niya.
BINABASA MO ANG
Dealing With The Elite Four
General FictionKilalanin si Matt Carlson Evans o Matt. Isang dise otso anyos na binatang nag-iisa na lamang sa buhay. Sa kanyang murang edad ay itinataguyod na niya ang sarili upang mabuhay. At nakakayanan niya yun dahil sa tulong ng ilang tao (lalo na ang Kapit...