XXVIII

10K 461 22
                                    

MATT

"IT'S not enough for me and because it is not enough for me, we'll go somewhere nice." Huling sabi sa akin ni Liam habang naka ngiti bago niya pinasibad ang sasakyan niya.

Mabuti nalang at nalagay ko na ang seat belt ko at kung hindi ay baka nangudngod na ako.

"H-Hey, Liam!" Sigaw ko sa kanya habang mahigpit ang kapit ko sa seat belt ko, "s-saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.

Sumagot naman siya sa akin habang naka tingin sa daan, "basta, just stay put." Sabi niya.

Hindi man niya nakikita at napapa iling ako. Paano ako magi-stay put kung ang bilis ng pagpapatakbo niya sa sasakyan?

"How will I do what you just said kung ganito ka magpa-andar!? Pwede bang bagalan mo ng konti?" Tanong ko sa kanya.

"Nope, I need to drive fast because we only have limited time." Sagot niya na ikinalaki ng mga mata ko.

Ay gunggong!

"I prefer to be scolded by my parents than to be killed by the way you drive, Liam so please, bagalan mo ang pagpapatakbo." Sabi ko sa kanya.

"Okay, sabi mo eh." Sagot niya bago ako naka hinga ng maluwag dahil bumagal naman ang andar ng sasakyan.

"Goodness!" Singhal ko sa kanya.

...

"Here we are!" Sabi niya nang makadating kami sa isang medyo may kalakihang karinderya.

PetMalou ang name ng lugar.

"D-Dito ba ang somewhere nice na sinasabi mo?" Tanong ko sa kanya.

"Yes, this is what I'm referring to." Masayang sagot niya sa akin.

Tumingin naman ako sa lugar, it is good. I just didn't expect someone like Liam can eat or go in a place like this.

I mean, I'm not being judgmental but the kind of Liam is not a fit here.

The karinderya is somehow wide, basing from the looks of it. May mga mesa at upuan, kulay cream ang pintura ng lugar at may tent na nasa daan na may upuan din.

Sa loob ng karinderya ay isang mahabang parang counter kung saan nagbabayad at kumukuha ng order ang mga tao.

Medyo marami na ding tao pero may mga bakante paring mesa.

"Let's go?" Biglang sabi ni Liam sa akin kaya nawala ang pag-oobserba ko sa lugar.

Tango lang ang isinagot ko sa kanya bago kami magkasunod na naglakad papunta sa loob.

Nasa may bukana palang kami ay isang bata na ang sumigaw, "Kuya Li!" Masayang sigaw nito.

Napatingin naman ako kay Liam at nagulat dahil naka ngiti ito, a genuine one. Kaya nga nagulat ako eh.

"Oh, Malou!" Sabi ni Liam sa bata.

I kinda know now why the place has the name PetMalou. Ang hindi nalang malinaw sa akin ay kung ano ang meaning ng 'Pet'.

"The same order?" Tanong ng bata sa kanya.

Sosyal, inglesera ang bata. Baka na-impluwensyahan ng gunggong na si Liam kaya ganun.

"Hmm, sa akin oo. Pero dito sa kasama ko, titingin muna kami." Sagot niya.

"Osige, balikan ko nalang kayo ni Miss." Sagot ng bata na naka tingin na pala sa akin.

Dealing With The Elite FourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon