MATT
Mag-aalas otso na nang maihatid ako ni Liam sa bahay namin. Kaagad akong bumaba nang mapatay na niya ang makina ng sasakyan.
"Liam, thank you sa lahat!" Masayang sabi ko sa kanya.
Hindi na kasi siya bumaba though he insisted na bumaba para magpaalam kina Nanay at Tatay.
"Are you sure they won't get angry?" Paninigurado niya sa akin.
Umiling naman ako, "oo, hindi sila magagalit. Maiintindihan naman nila." Sagot ko sa kanya.
"Okay." Tumangong sabi naman niya bago ko napansin na may ipinihit siyang kung ano gamit ang kamay niya.
Baka paaandarin na niya ang sasakyan.
"Osige na, it's getting late." Sabi ko at magba-bye na sana sa kanya nang may ipakita siyang isang asul na box.
Nangunot naman ang noo ko, "ano yan?" Tanong ko.
Ngumiti naman siya sa akin, "for you, virgin." Sabi niya.
Kaagad na nag-init ang mukha ko sa itinawag niya sa akin.
"S-Shut up!" Singhal ko sa kanya, "ano na naman ba yan?" Tanong ko habang naka tingin sa box na hawak niya.
"Tsk. Why don't you just get it?" Tanong niya sa akin.
Nahihiya man ay lumapit ako para kunin yun sa kanya. Kaagad ko yung binuksan at nakita ang isang kwintas.
It's a beautiful —no, they're beautiful necklaces.
Dalawa kasi sila na ipinagsama sa isa. Kulay ginto ang mga pendant gaya ng kwintas at magka iba ang mga designs nila.
"I'll take it as you liked it." Biglang sabi niya kaya naka ngiti akong tumingin sa kanya."Oo." Walang hiya-hiya na sagot ko sa kanya bago ko hawakan gamit ang hintuturo ko ang mga yun.
"Well, I knew you would like it. Ako pa ang personal na namili dyan." Nagyayabang na sabi niya sa akin.
Pero bigla kong isinara ang box at tumingin sa kanya, halata naman na nagtaka siya sa inasal ko.
"Why?" Tanong niya sa akin.
"Hmm, isn't this a bit too much?" Tanong ko sa kanya, "t-tyaka bakit mo ako binibigyan nito?" Dagdag ko.
Napa buntong hininga naman siya, "it's a peace offering, Matt and a sign that you and I are friends." Sagot niya na nagpataas ng kilay ko.
And just like that, Liam smiled "peace offering for the things I did to you." Sabi niya na parang alam niya kung ano ang ipinupunto ng kilay ko.
BINABASA MO ANG
Dealing With The Elite Four
General FictionKilalanin si Matt Carlson Evans o Matt. Isang dise otso anyos na binatang nag-iisa na lamang sa buhay. Sa kanyang murang edad ay itinataguyod na niya ang sarili upang mabuhay. At nakakayanan niya yun dahil sa tulong ng ilang tao (lalo na ang Kapit...