VIII

11.3K 506 54
                                    

MATT

Halos mawalan ako ng hininga sa suntok na ibinigay sa akin ng lalakeng bigla nalang akong nilapitan at sinabunot.

Hindi ko siya kilala pero alam kong isa siya dun sa mga natapunan ko ng pagkain, base narin sa inaakto niya.

Isa siya sa mga Elite Four kung tawagin sa eskwelahang ito.

Ngayon ko lang naintindihan ang mga sinabi sa akin ni Heidy kanina. Ngayon ko lang naunawan ang mga katagang binitawan niya habang walang humpay siyang magpabalik-balik sa paglalakad habang nasa harapan ko.

"I'm not done yet, Matt." Dinig kong sabi niya sa akin habang namamaluktot ako. "I haven't started, actually." Dagdag niya bago ako hatakin palabas ng kwarto.

Wala akong nagawa dahil sa sakit na nararamdaman ko kaya nagawa niya nga akong ilabas. Dinig ko pa ang mga tili at tawag sa akin ni Heidy.

Oh, good Lord. Tulungan niyo po ako.

"How dare you do that to me, to us!?" Pasigaw na tanong sa akin ng lalake bago ako pabalyang bitawan sa sementadong sahig.

I-I need to escape.

Patayo palang sana ako pero hindi ko na naituloy nang sipain ako ng lalake sa tyan.

"U-Unggh!" Daing ko at muling napahawak sa tyan ko.

Hindi ko kaya ang sakit. Buong buhay ko ay hindi pa ako nasasaktan nang ganito. Hindi ko kaya, masakit.

Feeling ko ay parang nauubusan ako ng hininga. Para bang may kung anong pumipigil sa mga laman ko na gumalaw.

"H-Help —ughh." Paghingi ko nang tulong nang makita ko na may mga estudyante nang nasa paligid namin ng lalakeng galit na galit sa akin.

"And where do you think you're going?" Dinig kong sabi ng lalake kaya kahit nahihirapan ako ay pinilit kong gumapang.

Ang uniform ko, madumi neto.

Kaagad akong napahawak sa paa nang kung sino nang mapansin kong nasa malapit lang ito.

"H-Help me, p-please." Nanghihinang hingi ko ng tulong dito.

"Why would I?" Tanong nito sa akin kaya natigilan ako, "why would I help someone who threw his foods on us?" Sunod na tanong nito sa akin.

Kulang ang salitang gulat nang bigla niya akong sabunutan. "A-Aray!" Daing ko bago niya ako kinaladkad pabalik sa lalake kanina.

Isa din siya sa apat kanina?

"You've got the guts, trying to escape, huh?" Boses iyon nung lalake kanina.

"H-Help!" Muling hingi ko ng tuloy. Hindi ko na pinansin pa ang mga pinagsasabi nila.

Heidy, nasaan ka ba?

Naiyak ako nang maalala ko ang mga sinabi niya. Wala nga palang gusto na kalabanin sila.

Kung ganun ay wala din palang magagawa ang kaibigan ko.

"Ah!" Gulat na sabi ko nang maramdaman kong may umapak sa mga paa ko.

"You should listen when someone's talking, shouldn't you?" Sabi nung ikalawang lalake na siya palang umaapak sa paa ko.

Hindi ko ito pinansin at itinuon ko ang sarili ko sa paggapang. Pero parang malas ako dahil pagka pwesto ko palang sa mga kamay ko ay kaagad na may umapak sa mga yun.

"A-Ah!" Muling daing ko nang makita ko na may bago na namang lalake.

W-Wag mong sabihing isa din siya sa apat kanina?

Dealing With The Elite FourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon