XXXIV

8.4K 348 11
                                    

MATT

IKA-ANIM NA GABI NA NGAYON AT BUKAS NA ANG HULI.

Dumating na ang pamilya ni Nanay nung ikatlong araw nito at kahapon naman ang pamilya ni Tatay.

And as expected, they're all sad upon knowing what happened to my mother. Sa sobrang pagka bigla nga ay nahimatay pa ang Mama ng Tatay Domeng ko.

Sinabi kasi ni Tatay na murder ang ikinamatay ng Nanay Laide.

Madami din sa mga tao sa barangay ang pumunta upang makiramay. Halos hindi na nga sila umuwi dahil nais nilang makapiling ang 'kapitana' nila hanggang sa huling pagkakataon.

Kapitana ang itinawag nila dahil Kapitan daw si Tatay.

Ilan din sa mga nagsi iyakan ay ang malapit na mga kumare ni Nanay na sina aling Minda, Rosing at iba pa. Nakiramay din ang mga kompadre ni Tatay.

Madaming taong dumating, nabuo ang pamilya nila Tatay at Nanay pero hindi ko iyon ikinatuwa.

Kailangan bang may mawala muna bago sila mabuo?

Hindi ba maaaring maglaan sila kahit isang araw man lang para magkita at masalo-salo?

Sa nakalipas na mga araw na iyon ay hindi ako pumasok. Sa ikalawang araw ng lamay ni Nanay ay nagpunta ako nang saglit sa kolehiyo ko para magpaalam at sabihin ang rason kung bakit.

Sa awa ng Diyos ay pinayagan naman ako.

Isa pa pala, si Liam din ay palaging nasa bahay.

Hindi ko alam kung bakit pero sa palagay ko ay mas naging close kami sa mga nakalipas na araw na yun. Lagi kasi siyang nasa tabi ko, pinapaalala na kahit wala na si Nanay ay lagi lang itong nakabantay sa akin.

MALUNGKOT.

Malungkot parin ako at alam kong tatagal ito. Maaaring mga araw, linggo buwan o baka nga taon pa.

Hindi ko alam.

At sa mga nakalipas na araw din na yun ay nakita ko ang lumbay ni Tatay. Oo, lagi akong nakasubaybay sa kanya.

Kita ko at alam ko kung paano siya tumangis kahit na pilit niya pa iyong itinatago at pinipigilan.

At sa lalim ng mga gabing nagdaan, kapag lahat ng tao'y halos tulog na, lagi akong gising at makikita ko na nakatingin siya kay Nanay na waring kausap niya ito.

Na para bang buhay pa ang Nanay para sa kanya.

MASAKIT.

Syempre, masakit, masakit talaga ang lahat. Biglaan at hindi inaasahan. Napaka sakit.

Ang dalangin ko nalang ay sana, kahit nasaan man si Nanay ay maayos ang lagay niya at masaya.

Sana ay hindi siya malungkot gaya nang kung paano kaming malungkot sa pagka wala niya sa buhay namin ni Tatay.

"Lordy, kayo na po ang bahala sa Nanay Laide ko." Sabi ko sa krus na nasa gitnang parte ng pader.

Kausap ko ito na waring buhay talaga ang Panginoon.

Nasa harapan kasi ako ng kabaong ni Nanay Laide.

Dealing With The Elite FourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon