MATT
After kong maratay nang halos kalahating araw sa infirmary dahil sa nangyari sa akin ay pina-uwi ako.
Hindi na kasi nila ako pinapasok sa mga subjects ko dahil sa nangyari.
"Nay, Tay... Nandito na po ako." Bati ko nang naka dating na ako sa bahay.
Kaagad naman akong sinalubong ni Nay. "Oh, kamusta naman ang unang araw mo?" Kaagad na tanong nito sa akin matapos kong magmano.
Heto po, Nay... Medyo masakit pa ang katawan ko dahil sa pambubugbog sa akin.
Ngumiti naman ako sa kanya, "ayos naman po, Nay." Pagsisinugaling ko sa kanya.
Tumango ang Nanay bago ngumiti, "osiya, magbihis ka na at kakain na. Nasa hapag kainan na ang Tatay mo." Sabi nito sa akin.
Alas syete na kasi ako naka uwi, oras ng hapunan namin. Sa tingin ko, kailangan ko nang sanayin ang sarili ko sa ganitong oras dahil nag-aaral na ako.
Kaagad naman akong umakyat at tumuloy sa kwarto ko. Nang magtanggal ako ng uniform at pandoble ay kaagad na bumungad sa akin ang isang pasa.
"Aah!" I hissed when I tried touching it, ang sakit.
Sana bukas hindi na masakit 'to.
KNOCK KNOCK KNOCK
Matapos kong makarinig nang tatlong sunod-sunod na katok ay narinig ko ang boses ni Nanay.
"Matt, tara na!" Tawag nito sa akin.
"S-Sandali lang ho, Nay!" Sagot ko sa kanya habang natatarantang kumukuha ng shirt sa cabinet ko.
Nang makapag bihis na ako ay kaagad ko ding binuksan ang pinto, "bakit ba ang tagal mong bata ka?" Tanong sa akin ni Nanay.
Ngumiti naman ako sa kanya, "may inayos lang ako, Nay. Tara na?" Sagot ko dito at marahan ko siyang hinila pababa.
Nang maka upo na kami ay kaagad din akong nagdasal at matapos nun ay kaagad din kaming kumain.
Tinolang manok ang ulam at may pritong isda din.
"Matt, Anak. Kamusta naman ang kolehiyong pinapasukan mo? Mahirap ba? May kaibigan ka na ba o girlfriend?" Naka ngiting tanong sa akin ni Tatay.
Natawa naman ako sa biro niya. Oo, laging ganyan ang biro ni Tatay sa akin. Dise otso na daw kasi ako pero wala pa akong girlfriend ni isa man lang.
"Maganda po ang Elite College, Tay. Hindi naman po ako nahihirapan. May kaibigan na po akong babae, Tay." Sagot ko sa kanya.
"Abay, ang batang ito!" Singhal sa akin ni Nanay.
Si Nanay naman ay tutol sa pagkakaroon ko ng girlfriend, unahin ko muna daw ang pag-aaral.
"Nay, kaibigan lang ho. Hindi ka-ibigan. Heidy Koh po ang pangalan niya." Paliwanag ko naman sa kanya.
"Hmmm, mabuti naman at kung ganun. Basta, aral muna. Okay?" Paninigurado nito sa akin.
"Opo!" Naka ngiti at tumatangong sagot ko sa kanya.
"Hay. Naku, Laida! Bakit hindi mo hayaan ang bata? Tipikal lang naman ang pagkakaroon ng kasintahan." Saad naman ni Tatay.
Natawa ako nang hampasin siya ni Nanay sa balikat. Magkatabi kasi silang dalawa, ako naman ay nasa harapan nila.
"Magtigil ka dyan, Domeng! Kung anu-ano ang pinagsasabi mo!" Sigaw sa kanya ni Nay. "Mag-aaral muna ang anak ko, tyaka na yang girlfriend - girlfriend na yan." Dagdag niya.
BINABASA MO ANG
Dealing With The Elite Four
General FictionKilalanin si Matt Carlson Evans o Matt. Isang dise otso anyos na binatang nag-iisa na lamang sa buhay. Sa kanyang murang edad ay itinataguyod na niya ang sarili upang mabuhay. At nakakayanan niya yun dahil sa tulong ng ilang tao (lalo na ang Kapit...