IV

12.8K 531 34
                                    

MATT

KINABUKASAN ay si Nay Laida na mismo ang gumising sa akin. Tila ba mas excited pa siya kaysa sa akin.

"Aba, anak. Dalian mo at baka mainip ang mga yun at baguhin nila ang isip nila." Sabi niya nang makababa ako.

Nasa tapat kasi ng hagdan ang kainan namin kaya ganun.

Ngumiti ako bago ko sila nilapitan ni Tay, na maging siya ay parang excited din.

Hindi ko na nga siya ginising dahil mas nauna din siyang gumising sa akin. Sabay yata sila ni Nay.

"Nay, hindi naman po pwede yun. Tyaka wag kang mag-alala, pag-uwi ko mamaya, may dala akong magandang balita." Sabi ko bago ko sila sinalihan sa mesa.

Pritong itlog, ham, at may pandesal sa mesa. Si Nay siguro ang nagluto, hindi naman kasi marunong si Tay.

MATAPOS kong kumain ay kaagad din akong nagpaalam sa dalawa at umalis. At gaya kahapon ay nag-tricycle ako tapos ay jeep, hanggang sa makita ko nalang na nasa tapat na ako ng kolehiyo kung saan ako mag-aaral.

Kaagad na may nakita akong kumakaway sa guard post, si Manong.
"Kamusta, Manong?" Naka ngiting kamusta ko sa kanya nang makalapit ako.

"Ayos lang, ikaw bakit nandito ka?" Tanong niya sa akin.

"Manong, simula yata ngayon ay araw-araw mo na akong makikita." Masiglang sagot ko sa tanong niya.

"Bakit naman aber?" Tanong niya sa akin.

"Dahil natanggap ako! Mag-aaral na ako ngayon dito, sa katunayan ay pinapa punta nila ako sa registrar's office ngayon." Sagot ko sa kanya.

Pagkarinig niya nun ay dali-dali niya akong pina pasok sa gate, "aba kung ganun ay dalian mo na!" Sabi niya at tinulak-tulak niya ako.

Natatawang hinayaan ko naman siya hanggang sa maka pasok ako sa napaka gandang eskwelahang ito.

"Sige na, hindi na kita ihahatid. Alam mo naman na kung saan ka pupunta, 'di ba?" Tanong niya sa akin.

Sumaludo ako sa kanya bilang sagot at kaagad na nagpunta sa office.

Pagdating ko dun ay kagaya parin ng kahapon ang nakita ko: mga taong subsob sa monitor ng computer at mga trabaho nila.

Nagpunta naman ako kay Miss Pia, "hello po." Bati ko dito kaya napa tingin siya sa akin.

"Oh? Ikaw pala. Punta ka kay Sir Josh, yung kahapon. Siya na bahala sayo." Sabi niya bago muling ituloy ang trabaho.

Ito yung taong kung tawagin ay workaholic. Silang lahat na nasa loob ng office na ito.

Natatawang umiling naman ako bago nagtuloy sa desk ni Sir Josh, yung interviewer ko kahapon.

Parang alam niya yata na pupunta ako sa kanya, kasi nung malapit na ako ay naglalakad na siya papunta sa kanya.

"Good morning po." Magalang na bati ko sa kanya.

"Good morning." Sagot niya sa akin nang tumigil siya sa harapan ko.

"I'll be the one accompanying you today." Sabi niya sa akin bago ako kinamayan, "congratulations on being accepted in this college. On behalf of the staff, I welcome you to Elite College." Dagdag niya.

Tumango naman ako bago ko ni-shake ang hand niya.

"Let's go?" Tanong niya sa akin at nang tumango ako ay naglakad na kami palabas ng office.

Dealing With The Elite FourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon