MATT
"Away na 'to." Dinig kong bulong ng isang lalakeng estudyante sa likod ko.
Napalunok naman ako dahil habang tumatagal ay nakikita kong nag-iiba ang hitsura ng apat na lalakeng natapunan ko.
"Sino ba siya? Ang clumsy kasi niya!" Maarteng turan naman nung pangit na babae sa gilid ko.
Kaagad naman akong tumayo, "Matt, ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ni Heidy na maging siya ay parang nag-iba ang timpla ng mukha.
Parang natatakot siya na ewan.
Muli naman akong napa titig dun sa mga lalake at nagulat ako nang lahat sila ay naka tayo na.
"Lagot siya nyan." Narinig ko na namang sabi ng kung sino.
Kinakabahan na ako sa mga sinasabi nila. Kung bakit ba naman kasi may pumatid sa paa ko, eh!?
"L-Let's go, Matt." Bulong sa akin ni Heidy, napa tingin naman ako sa kanya, "I think we better get out of here." Dagdag niya bago ako hatakin.
"T-Teka, bakit ba?" Tanong ko nang malapit na kami sa pinto ng cafeteria.
"W-Wag ka nang magtanong at dalian mo nalang!" Para bang natataranta niyang sabi sa akin.
"H-Huh? Hindi ko gets, bakit ba?" Tanong ko ulit sa kanya.
Impit na tumili si Heidy bago niya ulit ako hatakin, habang palayo kami ay narinig ko ang isang malagom na boses.
"Who the hell did this to us?" Tila kulog ang boses nang taong nagtanong nun.
"Hurry!" Hindi ko na tinignan nang mariin ang mukha niya dahil naging mabilis ang lahat.
Sa isang iglap ay nasa loob na kami ng room namin ni Heidy habang hingal na hingal kami.
"T-Teka, Heidy. Bakit ba nagmamadali tayo?" Hinihingal na tanong ko sa kanya bago ko alisin ang pagkaka sukbit ng bag ko.
Hinihingal na tumingin naman siya sa akin, "because y-you won't like what they're going to do to you if they knew that it was you who did that to them." Sagot niya.
At bakit naman?
"B-But it wasn't on purpose, Heidy." Katwiran ko naman sa kanya.
Mabilis ang sunud-sunod na pag-iling niya sa akin, "hindi sila makukuha sa pagsasabi mo na hindi mo yun ginawa on purpose, Matt." Sabi niya sa akin.
"Bakit ba? Sino ba ang mga yun?" Kunot noong tanong ko sa kanya.
Umiling ulit si Heidy bago umupo sa upuan na nasa harapan ko, "they're called the Elite Four." Sabi niya.
"A-And so?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Those four are all junior students in this college. Their names are Liam, Chad, Jake, and Peter." Patuloy niya.
Mga ka-edaran ko lang pala (A/N: two years kasi siyang nag-stop. Remember?) at estudyante lang naman sila kagaya namin.
"What's with them ba at parang takot na takot ang mga estudyante sa nangyari kanina?" Tanong ko ulit.
"Because they're all popular and dangerous, Matt and no one dares to mess with them or even approach them." Paliwanag naman niya.
Napalunok ako sa sinabi niya, "and what you did a while ago is something unpardonable, lalo't parang ipinahiya mo sila sa lahat ng nandu-doon." Hiedy continued.
BINABASA MO ANG
Dealing With The Elite Four
General FictionKilalanin si Matt Carlson Evans o Matt. Isang dise otso anyos na binatang nag-iisa na lamang sa buhay. Sa kanyang murang edad ay itinataguyod na niya ang sarili upang mabuhay. At nakakayanan niya yun dahil sa tulong ng ilang tao (lalo na ang Kapit...