MATT
TODAY is the day.
I woke up early. Ni nauna pa akong magising kaysa sa alarm clock ko.
I don't know why but it must have been my excitement.
"Matt, ang aga mo naman yatang gising?" Tanong sa akin ni Tatay nang bumaba ako.
Right, ganitong oras palang gumigising si Tatay dahil kapitan siya.
Ngumiti naman ako sa kanya, "good morning, Tatay. Opo, ewan ko nga din po kung bakit ang aga kong nagising." Sagot ko.
"Hay, o tara at samahan mo akong pumunta dun kay Bebang." Sabi niya.
Ah, ang tinutukoy ni Tay ay ang tinderang maagang nagbubukas.
Si Bebang ang nakagisnan kong bilihan nila Tatay at Nanay ng almusal.
Naaalala ko pa nung buhay pa si Nanay nun, isasama niya ako kay Bebang ng madaling araw para bumili ng lugaw.
"Sige po. Sandali lang po at maghihilamos ako." Sabi ko kay Tatay at mabilis na nagpunta sa banyo.
Mula kasi nang mawala sa amin si Nanay, doon na ako nagbabanyo.
Nagagamit ko pa naman ang sarili kong banyo pero mas gusto kong gamitin ang banyo na ginagamit niya noong nabubuhay pa siya.
Matapos ang ilang minuto, nagpupunas ng mukha akong lumabas sa banyo.
Nang matiyak kong napunas ko na ang lahat ng tubig sa mukha ko, isinampay ko ang twalya sa may sabitan sa may gilid ng hagdan.
"Tara po?" Tanong ko kay Tatay. Tumango naman siya sa akin at isinuot ang sumbrerong itim na bigay sa kanya ni Nanay.
...
Oh, Kap. Ito na ho ang order niyo." Magalang na sabi ni Aling Bebang sa Tatay ko bago niya ilapag ang dalawang plato ng putong puti at dalawang bowl ng lugaw.
Ang order na nakasanayan na namin nila Nanay noong nabubuhay pa siya.
"Salamat, Bebang." Pasasalamat ni Tatay sa matandang babae.
"Wala ho yun, Kap. Tyaka ano ba kayo? Bebs na ang tawag sa akin ngayon." Natatawang sabi pa niya.
"Ah, ganoon ba? Osige, sa susunod ganun na din ang itatawag ko sayo at nitong anak ko." Natatawang sabi naman ni Tatay sa kanya.
Natawa man ay hindi ko na lang ito ipinakita sa kanila.
"Osiya, happy eating!" Sabi ni Aling Bebang bago niya kami iniwan ni Tatay.
"Tay, oh." Sabi ko kay Tatay habang nakalahad ang kamay kong may hawak ng mga kubyertos.
Ako na ang gagawa nito ngayon, dahil wala na si Nanay.
Si nanay kasi ang laging gumagawa nito noong nabubuhay pa siya.
"Salamat, nak." Sabi nito sa akin matapos niyang kiming ngumiti.
Ngumiti naman ako sa kanya, "wala po yun." Sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Dealing With The Elite Four
General FictionKilalanin si Matt Carlson Evans o Matt. Isang dise otso anyos na binatang nag-iisa na lamang sa buhay. Sa kanyang murang edad ay itinataguyod na niya ang sarili upang mabuhay. At nakakayanan niya yun dahil sa tulong ng ilang tao (lalo na ang Kapit...