MATT
TULALA AKO SA BUONG KLASE.
Ni hindi ko man nga nagawang makinig sa mga sinasabi ng teacher namin.
"Hoy!" Tawag sa akin ni Heidy kaya napa tingin ako sa kanya.
"O-Oh?" Tanong ko sa kanya.
"Kanina ka pa tulala dyan." Sabi niya sa akin.
"Huh? H-Hindi naman." Pagsisinungaling ko sa kanya.
"Oo kaya." Sabi niya.
Umiling ako, "hindi nga." Dagdag ko.
Napa buntong hininga naman siya, "okay, sabi mo eh." Sabi niya sa akin.
Umayos naman ako nang upo, "oy, Heidy..." Tawag ko sa kanya.
"Bakit?" Tanong niya sa akin habang nagta-type sa tablet niya.
"K-Kilala mo ba yung uhm, yung Elite Four?" Tanong ko sa kanya.
Kaagad naman siyang tumigil sa ginagawa niya at humarap sa akin. "At bakit mo naitanong?" Tanong niya sa akin.
"Para alam ko kung sino sila, para maiwasan ko sila." Sagot ko.
Tumango naman siya sa sagot ko at muling tumingin sa tablet niya.
"Ang Elite Four as what I said, they're dangerous and no one dares to mess with them or even approach them." Sabi niya ulit.
"Okay." Sabi ko.
"Wait lang, ise-search ko yung photos nila." Sabi niya at muling nag-type sa tablet niya.
"Ito si Liam..." Sabi niya matapos niyang mag-type at ipinakita niya sa akin ang litrato at ganun din ang pagka gulat ko nang makita ko ang larawan nito.
Gaya nang nakita ko kanina, puno siya ng tattooes. Siya nga at wala nang iba.Pero bakit nga ba ang dami ng tattoos niya sa katawan? Dati ba siyang preso, addict?
Tyaka pwede ba yun dito? I mean, allowed ba sa Elite College ang pagkakaroon niya ng tattoos?
"Siya ang leader 'kuno' ng Elite Four ayon sa mga estudyante ng Elite College." Sabi sa akin ni Heidy. Tumango naman ako dun.
Ang sabihin mo, siya ang impakto na lumapastangan sa akin kanina. Bwisit! Argh!
"Ito naman si Chad, yung umapak sa mga kamay mo at sanhi nang pagka walan mo ng malay kahapon." Sabi ni Heidy bago muling nag-type at ipakita sa akin ang litrato ng Chad na ito.
BINABASA MO ANG
Dealing With The Elite Four
General FictionKilalanin si Matt Carlson Evans o Matt. Isang dise otso anyos na binatang nag-iisa na lamang sa buhay. Sa kanyang murang edad ay itinataguyod na niya ang sarili upang mabuhay. At nakakayanan niya yun dahil sa tulong ng ilang tao (lalo na ang Kapit...