XXXIII

8.6K 360 11
                                    

MATT

Basa kaming umuwi sa bahay ni Liam. Pagdating namin dun ay mas lalong bumigat ang damdamin ko nang makita kong ayos na ang lahat.

May nakalatag na na mga mesa at upuan sa dating bakuran na winawalis ni Nanay Laide kapag wala ako.

Sa loob naman ay puti na ang mga kurtinang nakalagay sa pader at mga bintana, hindi gaya nang dati na puro matitingkad ang kulay.

Ang dati naming hapag kainan ay wala na, tanging mga upuan at espasyo na daanan na lamang iyon ngayon.

Maraming nagbago. Nakaka lungkot, gusto kong umiyak.

"My condolences, Matt." Bulong sa akin ni Liam nang mapansin niyang mataman akong naka tingin sa paligid.

Hindi ko naman siya sinagot dahil dumako ang tingin ko isang parihabang tila patungan.

Patungan ng ataul na siyang paghihimlayan ng katawan ni Nanay.

May ilaw yun sa loob at gawa sa salamin, ang May Kapal ang nasa loob nun bilang disenyo na may kasamang mga anghel.

Kaagad na nangilid ang luha ko pero maagap kong ipiniling ang ulo ko para pigilan ang pagbagsak ng mga yun.

Naglakad ako papunta sa itaas, pagdating ko sa dulong baitang ng hagdan ay dun na ako naiyak dahil nakita ko ang kwarto nila Tatay at Nanay.

Bukas iyon, bukas dahil nakita ko si Tatay na umiiyak habang hawak ang litrato nila ni Nanay.

"T-Tay..." Lumuluhang sabi ko habang impit na pinipigilan ang paghagulgol ko.

Tang ina, ang sakit.

Umiiling na nilagpasan ko ang kwarto nila at tumuloy sa kwarto ko. Mabilis na isinarado ko yun, kahit na hindi ko alam kung kasunod ko lang si Liam.

Mabilis din ang naging mga lakad ko papunta sa kama ko at dun ako sumubsob.

I suppressed my cry, I don't want my father to hear me crying. Tama na ang sakit na nararamdaman niya sa pagka wala ni Nanay. Ayaw ko nang maging karagdagan pa sa lungkot niya.

"Cry, Matt." Sabi ni Liam.

Naka sunod pala siya.

"I know it's painful, that's why cry. Let it all out. Cry all you want." Sabi niya bago ko naramdaman ang paglundo ng kama.

Tumingin ako sa kanya, "ang sakit..." Sabi ko sa kanya.

Humarap naman siya sa akin, "I know, so cry." Sagot niya.

Pagsabi niya nun ay mabilis na naglabasan ang mga luha ko sa mata. Muli kong ibinaon ang mukha ko sa unan ko upang maitago ang hagulgol ko.

...

HINDI ko alam kung ilang minuto ang itinagal ko sa pag-iyak, mahapdi na ang mga mata ko at basang-basa na ang unan ko dahil sa luha na inilabas ng mga mata ko.

Tyaka ko palang naalala na basa pala ang damit ko at maging ang kay Liam. Mabilis na lumuhod ako bago tumayo para tignan si Liam.

"You're done, finally." Sabi nito sa akin. Pagak naman akong ngumiti sa kanya.

"We should change our clothes." Sabi ko bago ako tumayo at pumunta sa cabinet ko.

Naghalungkat ako ng damit ko at damit na kakasya kay Liam. Naka kita naman ako, isang medyo malaking maong na shorts at isang loose na sasakto kay Liam ang kinuha ko.

Dealing With The Elite FourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon