Chapter 8

13.1K 192 3
                                    

July 19, 2017. Present.

"Emma! Halika dito at may palalabhan ako." Tumakbo ako sa kapitbahay ko'ng si Ma'am Irene, may palabhan na naman, isa lang ang ibig-sabihin nito. Magkaka-pera na naman ako.

"Sus akala ko naman po kung gaano ka dami, ang konti lang naman pala nito." Sabi ko ng nakita ang dalawang basket ng mga lalabahin.;

"Bumabanat ka pa, labhan mo na 'yan at baka umuwi na 'yung magaling mo'ng asawa." Natawa nalang ako kay Ma'am. Nilabhan ko na ang lahat at isinampay na.

"Salamat Emma, ito 300 pesos. Kulang pa 'yan sa serbisyo mo dito sa amin."

Kinuha ko na ang pera at inilagay sa bulsa ko. "Salamat po ah,malaking tulong na poi to saken."

"O siya umuwi ka na haha."

Bumili ako ng pagkain sa may kanto, alas 4 na kase ng hapon dito sa amin kaya maraming nagluluto ng ulam sa mga may kanto.

Bumili nalang ako ng gulay na tig-dyes at kanin. Sapat na ito para sa akin dahil nakasanayan na.

As I looked back, marami pala taaga ang nagbago. Lalo na sa buhay ko. Nag-igib ako ng tubig para sa c.r ni Anthon. Grabe, pagod na pagod na ako. Nagluto na din ako ng ulam ni Anthon.

"Ano ba naman 'to. Andaming alikabok! Emma hindi ka ba naglilinis dito sa bahay?' nakauwi na pala si Anthon galling opisina.

"Lilinisan ko nalang 'yan bukas. Gabi na din kase e."

"At sumasagot ka pa letse ka halika dito." Hinila niya ako at pinaluhod. "Walang-hiya ka talaga!" Pinalo niya ako ng sinturon niya. Sinipa niya din ang kanang bewang ko. Nasasaktan na ako pero hindi ako lumaban dahil baka palayasin niya ako dito sa bahay. Hinawakan niya ang buhok ko at sinabunutan niya ako. I'm used to this pain, sanay na ako kaya hindi ko na dinadama ang sakit. "Napaka walang-hiya mo'ng asawa ka! Ano ba'ng ginawa mo dito maghapon ha? Nakipagkita ka na naman ba kay Ricky? Magsama kayo mga walang kwenta sa mundo!" Sinipa niya ang tuhod ko at napangiwi nalang ako sa sakit ng sapatos niya.

Pumunta siya sa kusina at tinikman ang niluto ko ngunit laking gulat ko ng ibato niya sa akin ito. "Ilang taon ka ng naninilbihan bilang katulong ko pero di ka pa din marunong magluto! Napaka walang kwenta mo'ng babae ka!"

Anthon, hindi mo ba nakikita na nasasaktan ako? Oo dalwanag taon mo na akong katulong pero 'wag mo akong gawing alipin

You really did change.

Pumunta na siya sa itaas. Nilinisan ko na lang ang mga nagkalat na pagkain. Lumuha ang mga mata ko ng di inaasahan. Tinapon ko na din ang biak na plato sa labas.

Pumwesto na ako sa sahig kung saan malapit sa sofa, dito ako natutulog at ito na ang nagsisilbing bahay ko. Kinuha koang litrato nung kasal naming at mapait na napangiti.

"Ang laki na ng pinagbago."

Battered WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon