Chapter 39

10.9K 129 0
                                    

Paalis na sina Anthon and Trixie. Ako din e paalis na. nag-usap muna sila ni Jake saglit. Pansin ko lang talaga wala talaga sa mood si Anthon, wala akong masyadong narinig na salita mula sa kanya. Napapansin ko din na sa tuwing tumitingin si Jake sa kanya e umiiwas agad ito ng tingin. May tension sa pagitan nilang dalawa.

"Aalis na kami Jake." Sabi ni Trixie.

"Sige, ingat kayo. Don't forget to text me when you reach home okay?" tumango lang si Trixie at naglakad na silang dalawa papunta sa sasakyan nila. Napansin ko'ng nagbago ang mood ni Jake. Hindi ko nalang pinansin, baka naman magalit pa lalo no dahil tatanungin ko. "Ikaw din mag-ingat ka." He smiled and I smiled back naman.

"Salamat. See you tomorrow." He just nodded. Nagpunta na ako sa sasakyan at umuwi na. may nadaanan akong matanda na nanglilimos kaya naman bumaba ako sa sasakyan ko. I gave her 50 pesos. Nakakaawa kase, wala man lang nag-aalaga sa kanya e matanda na siya. Nasaan ba naman ang mga anak nito? Nagpapaganda ng buhay? Samantalang ang ina nila ay nanglilimos. Naiinis ako sa iniisip ko. "Nay, asan ba mga anak mo?"

Lumaki ang ngiti niya nang Makita ang 50 pesos na inabot ko. "Nasa ibang lugar sila hija, may sarili ng buhay. Iniwan nila ako dito." Naaawa na ako sa kanya. Iniisip ko, ba't di ko nalang kaya ipatira sa bahay ko si nanay? "salamat hija, ipagpatuloy mo lang ang pagiging mabuti mo. Sana maging maganda ang takbo ng buhay mo. Ituloy mo lang ang kagandahan ng iyong loob. 'Wag mon a akong alalahanin at matanda na ako. Huwag ka'ng sumuko sa mga pagsubok na dadating sa buhay mo. Mag-iingat ka hija." Lumakad na papalayo ang matanda. Gusto ko sana siyang habulin pero parang hindi ko maigalaw ang paa ko. Huwag ka'ng mag-alala nanay, hindi ako susuko sa mga pagsubok na dadating sa buhay ko. Bumalik na ako sa sasakyan.

May natanggap akong mensahe galing sa co-seller ko. Kay Anthon.

"Pwede ba kitang makausap sandali? Meet me at 7/11, 9pm. I'll wait for you."

Biglang kumabog ang dibdib ko. Hindi ko ma-explain ang feeling ko. Napaka-feelingera ko talaga, pero iba 'to e. napakabilis ng tibok ng puso ko, parang mawawala na ang mga ito sa katawan ko. Anthon, I've already moved on. Paki-usap bugyan mo naman ako ng mapayapang buhay. 'Yun lang kase ang gusto ko e. A life without you in it. I parked my car sa isang park. Bumaba ako. Malapit ng mag alas-nuebe. Pupunta ba ako? Siguro naman business matters lang ang pag-uusapan naming. Tama nga naman. I looked at every people that passes. May mga bata, how I wish I can have a child, wala nga lang silang ama kase wala naman akong ka-relasyon.

Anthon, baket ba? Ba't ba kung kelan maganda na ang buhay ko e saka ka pa magpapakita? Ano ang ginawa mo sa dalawang taon na wala ako? Saan ka nung akala ko na hahabulin mo ako at sa mga panahong akala ko e bubuo tayo ulit ng masayang pamilya? Baket ngayon ka pa nagpakita ulit na masaya na ako, akala ko na masaya na ako? Ano pa ba ang kulang sa lahat ng sakripisyo ko para sa'yo?

Battered WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon