Chapter 13

11K 136 0
                                    


Inantay ko si Anthon. 5:46 na din kase pero hindi pa siya dumadating. Asan na kaya 'yun. Tinali ko ang buhok ko ng ponytail tapos nagsout ako ng flat sandal. Parang 'di ako 'to ah. Hahaha. Nababaliw na talaga ako.

May bumusina kaya alam ko na si Anthon na ito. He got out of the car. Tumitig siya sa akin. Makikita mo sa mga mata niya ang pagkabighani. "Dalian mo nga, traffic na nga kumekembot ka pa." umirap siya at bumalik na sa sasakyan.

"If I know, nainlove ka lang sa look ko ngayon." Bulong ko. Pag kase sinabi ko ng malakas e baka 'di na ako isama. Nakasakay na ako. Ilang buwan na din akong hindi nakasakay dito. Kay tagal na kung bibilangin ang mga araw. Mga isang oras din ang byahe at nakarating na kami sa restaurant sa Cavite. Ang ganda naman dito.

"Andito na pala sila."

"Act normal pulubi, 'wag mo akong ipahiya."

"Oo."

Sinalubong kami ng isang matandang lalake, boss ata ni Anthon. "So good seeing you and your...."

"She's my helper." Aww. Sakit naman. Pero sanay na kaya ako. Kaya kere na din ang pagiging helper ko. Parang sa lahat naman kase niya sinasabi ang mga 'yan.

"Ang ganda namang helper." Sabi ng isang bata na nasa table.

Tumawa 'yung matanda at sinuway ang bata. Apo niya ata. May mga ibang tao pa sa table. Nakakahiyav naman. Ako lang ata ang helper dito. Mga mayayaman kase silang tignan. Mamahalin ang mga damit at ang mga gamit na dala. Tama ka Emma, ikaw lang talaga ang pulubi sa mga 'yan.

"Umupo muna kayo." Sabi na naman nung bata

Natawa ang lahat. "Come, have a seat."

Umupo kami sa left side. Nagkwentuhan silang lahat. Nagtawanan. At nag-order na din ng pagkain. Pero may napansin akong isang lalake na panay ang titig sa akin. I caught him staring kaya nag-smile ako. He smiled back.

Bigla akong tinawag ng kalikasan. "C.R lang ako."

Dali-dali akong pumunta ng banyo at nilabas ang masamang loob, di joke lang. Palabas na sana ako ng may anino ng lalake ang nakita ko.

"Oh, miss sandal lang. Pwede mo ba akong sundan? I just want to talk to you for a while."

Siya 'yung lalake kanina sa table. "Yeah, sure."

Pumunta kami sa taas, sa overview ng restaurant. "Ang ganda naman dito. Sabi ko ng may pagkamangha.

"Kaseng ganda mo."

Sagot ng lalake. Parang timang 'tong isang 'to. Tinamaan ata ng kidlat nung nakaraang linggo.


Battered WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon