This chapter is dedicated to jeeymae0718 and KBTeamasukal :) thank you :)
Napaluha nalang ako sa mga narinig ko kagabi. Akala ko ako ang sinabihan ni Anthon na mahal niya, hindi pala. Nagkamali lang ako na ako pa pala.
*Calling 0912*******
Tinawagan ko ang lalakeng nagbigay ng number niya nung nasa restaurant kami. Ilang rings lang ang inantay ko at sinagot na niya ito. "Hello who's this?"
"Si Emma 'to, asawa ni Anthon."
"Oh Emma, matagal ko nang inantay ang tawag mo ah. Ba't ba ngayon ka lang tumawag? Akala ko 'di mo'ko kailangan." he sounded dismayed pero 'di ko pinansin.
"Pick me up at Gora's subdivision. Please. I need your help."
"I'm on my way."
Jusko sana naman mapadali ang pagpunta niya. Alas 4 pa lang ng umaga. Gusto ko'ng lumayas sa bahay. Ayoko ng mabuhay sa kasinungalingan. Ayoko ng mapait na buhay. Ayoko na. nagdasal ako na sana nandtio na 'yung tinawagan ko.
Ilang minuto lang ng may nakita akong kotse na pumarada sa harpaan ko. Lumabas siya at kinuha ang mga cellpohanes na dala ko. "Just call me Jake. Sakay ka na. Ako na ang bahala dito."
Ngumiti ako ng mapait sa kanya. "Salamat."
Pagkatapos ay sumakay na ako sa sasakyan niya. Sinandal ko ang ulo ko sa bintana ng sasakyan ni Jake. I let all my tear to fall. Ang sakit ng dinramdam ko ngayon. At ang paglayas ay ang natatanging paraan para makawala ako kay Anthon, hindi naman din niya ako mahal kaya mas mabuting hindi na niya ako muna Makita. Wala na din naman akong balak na bumalik sa kanya. Ayoko na. Ayoko ng masaktan ng paulit-ulit sa parehong rason.
Sumakay na din si Jake at nag-drive na. Nakita niya akong umiiyak pero hindi na niya ako tinanong. Siguro alam niyang nahihirapan ako sa sitwasyon ko kaya hindi muna niya ako kinulit. Sa pagkakakilala ko kase sa kanya e makulit at mapagtanong. I cried all my heartaches and pains, humahagulhol ako.
"Alam mo, whatever pain you are in right now, you can get through it. I know na kaya mo 'yan. I will help you get through it. I promise you, I will give you the happiness you deserve." Hindi ako natuwa sa sinabi niya, ang alam ko lang is nasasaktan ako. Hindi ko pinansin ang mga sinabi niya,
We entered pizzaro subdivision. Nag-park din siya sa 3rd house mula sa gate. Ang laki pala ng bahay niya. Mas malaki pa sa bahay ni Anthon. Naiiyak na naman ako sa naisip ko. I left my home. I left him, the man of my life.
"Halika na." he opened the door for me. He also got my things out of the car. Tanging cellophanes lang ng SM mall ang nilagyan ko ng gamit ko.
"Welcome to your new home, Emma."
BINABASA MO ANG
Battered Wife
RomanceI am Emma, and my life in living with my husband is the least you could have imagined and want. For I, am a battered wife.