Nagising ako, napanaginipan ko na naman ang nangyari 2 years ago na nagbago sa takbo ng buhay ko. Asan na kaya si mama? Simula nung dinala ako ni Anthon sa Cavite, hindi ko na nakita ulit 'yung mama ko, 2 years na akong walang balita sa kanya. 2 years na din akong nasa kamay ni Anthon, sinasaktan niya ako ng dalawang tao. Wala din akong trabaho kaya rumaraket ako araw-araw para mabuhay. Nagtitinda ako ng isda, candy, at naglalaba o minsan nagwawalis ng bakuran ng mga kapit-bahay ko. Marami na talaga ang nagbago, kung noon e sa malambot na kama ako natutulog e ngayon naman ay sa sahig na may nakalapag na sako. Napaiyak nalang ako, marami na talaga akong na-miss. Miss ko na si mama. Miss ko na si Anthon. At miss ko na ang sarili ko. I am lost, and I couldn't find myself to go back where myself was used to be.
Bumangon na ako at nagluto ng noodles. Nagwalis din ako sa labas. Nag-igib ng tubig sa kusina at kwarto ni Anthon. Nadatnan ko si Anthon na nakahiga sa kama, tulog pa pala siya. Matapos ko'ng ilagay ang tubig sa balde ay pinagmasdan ko siya. Pinahid ko ang aking mga luha at sinabing "Anthon, miss na kita." Umalis na ako bago pa siya magising. Pag nagising kase siya e maiinis na naman siya sa mukha ko. He hated me for what happened two years ago. He cannot seem to move-on with what happened. Sino ba naman kase ang matutuwa kung nasa pwesto niya ako.
"Anthon kumain ka na." sinabi ko sa kanya ng makababa siya sa hagdanan. Kasalukuyang naglilinis ako sa mga alikabok sa ceiling. Ang dumi pala talaga, kaya pala galit siya.
"Wala ka talagang kwenta. Pati ba naman noodles di ka marunong magluto? Napaka hilaw nito!" hinagis niya sa akin ang bowl ng noodles kaya nagkalat ang mga ito sa sahig. Ganyan talaga siya, pag ayaw ayaw niya sa ulam ay tinatapon niya. Sanay na ako, sanay na akong ganyan palagi ang trato niya. Kase ano ba naman ako? Katulong lang naman. Isang hamak na katulong na palaging palpak. Hindi naman din kase ako sanay sa mga gawaing bahay noon kase lumaki akong may kaya sa buhay ang mama ko.
"Sa restaurant nalang ako kakain. Umalis ka nga diyan at dadaan ako!" sinakal niya ako at tinulak papalayo sa pinto. Nasasaktan ako pero di ako lumalaban dahil mahal ko siya, mahal na mahal na tinitiis ko lahat ng sakit na ibinibigay niya.
Pagkaalis ni Anthon ay tumayo ako at naglinis ulit. Nadama ko ang gutom kaya umalis na ako ng bahay. Pumunta ako sa karenderya ni Aling Nene. "Aling Nene, isang pansit at rice po."
"Hindi ka ba magso-softdrinks hija?"
"Wala na po sa budget ang softdrinks e." Si Aling Nene ang isa sa nakakaalam ng storya ko. Nung nalaman niya nga ang mga nangyari e pinilit niya akong sa kanya nalang manilbihan, but I refused to.
"Ano ba naman 'yang asawa mo, napaka walang hiya. Ginawa ka'ng mutsasa tapos walang binibigay nap era. Dito ka nalang kaya tumira, mas mapapabuti ang buhay mo."
"Ayan na naman po kayo, hindi po talaga pwede e." natawa nalang ako dahil halos araw-araw niyang sinasabi sa akin 'yan.
Napangiwi siya at sinabing "Hindi nap ag-ibig 'yang nararamdaman mo, kundi katangahan." Naiintindihan ko si Ali pero alam naman din niya na mahal ko si Anthon. "O siya, kumain ka na at maglalaba ka pa sa kapit-bahay."
What a lovely day, marami pa akong lalabhan. Buhay talaga, parang life.
BINABASA MO ANG
Battered Wife
RomanceI am Emma, and my life in living with my husband is the least you could have imagined and want. For I, am a battered wife.