This is dedicated to KBTeamasukal and Nouelle :) thank you :)
Nagising ako ng may kumatok sa pinto. Siguro si Anthon na 'to. Binuksan ko na ang pinto only to see Anthon na walang expression. Parang galing siya sa pag-iyak. "Ano ba'ng nangyari? Ba't namumugto 'yang mga mata mo?"
He stared at me for a while. "Wala ka na dun. Tabi."
"Ano'ng wala? Asawa mo ako Anthon, may karapatan akong malaman kung anong nangyari sa'yo at may karapatan ko na mag tanong sa'yo!"
Hinawakan niya ang pisngi ko ng napakahigpit. 'Yung sakto lang para masaktan ako. "Let me rephrase you, katulong kita, hindi asawa kaya 'wag mo akong pagtataasan ng boses dahil kung hindi e mapapatay kita."
Pagkatapos ay umakyat na siya sa taas. Ganun na lang ba talaga ako? Parang hangin na lang ba ako? Ganito nalang ba tayo? Parang tubig na ubos na at waka ng pagmamahal na natira?
Umupo ako sa higaan ko, napakaginaw ngayon dahil sa malakas na ulan. Umupo ako at hinayaan ko na tumulo lahat ng luhang naipon ko. Ang sakit sakit dahil ang mga pagbebentang ng iba ang pinaniniwalaan ni Anthon. Ang sakit dahil ayaw niyang makinig sa mga sinasabi ko. Ang sakit dahil para sa kanya, katulong nalang talaga ako. Diyos ko, wala naman akong naapakang tao para ma-deserve ang mga sakit na 'to. Wala naman akong taong nasaktan noon para parusahan mo ako ng ganito. Wala naman akong tao na pinatumba para magkaganito ang buhay ko. Natulog nalang ako na masakit ang dibdib.
Diyos ko, ganito nalang ba palagi ito?
Nandito ako sa palengke ngayon, nagtitinda. Ano ba naman 'tong ibang mga nagtitinda, hindi marunong magtapon ng mga basura nila, ayun tuloy ang baho-baho ng palengke.
"Hi, ako ulit." Nag-smile siya. Ah 'yung suki ko na maganda pala. "Magkano ang isang kilo ng bangus?"
"Ang ganda mo po talaga. 200 lang po 'yan."
Ngumiti ako sa kanya. "Sige, dalawang kilo 'yung akin." Hinanda ko na 'yung isda at binigay sa kanya. "Ano pala 'yung pangalan mo suki?"
Tumawa ako. "Emma po mam."
Natigilan siya pero binawi niya ulit ang ngiti niya. "Emma..."
Nagtaka naman ako kung bakit ganyan siya kung makakilos. Parang ang big deal naman ata ng pangalan ko sa kanya. "Oo Emma, bakit po?"
Ngumiti siya. "Wala lang, may kapangalan ka lang. By the way I am Trixie, just call me Trix."
Trixie, naku po familiar ka din.
BINABASA MO ANG
Battered Wife
RomanceI am Emma, and my life in living with my husband is the least you could have imagined and want. For I, am a battered wife.