Emma's P.O.V
Naglalakad ako papuntang shop ko sa Cavite. Grabe ang init, malayo lang kase akong mag-park ng sasakyan mula dito sa shop ko. "Amy, marami ba tayong nabenta ngayon? Grabe naman ang init sa labas, alas 10 pa naman ng umaga."
She looked at me and answered. "Yes mam, nakabenta na po. Maaga po kase akong nag-open."
Pinahid ko sa panyo ko ang mga pawis na tumutulo sa noo ko. "Bakit naman maaga kang nag-open. Alas 9 pa naman ang schedule natin ah." Napansin ko na yumuko siya.
"Mam nag-away kase kami ng asawa ko kaya maaga akong napunta dito. Mam emma 'wag po sana kayong magagalit sa akin ah."
Niintindihan ko naman siya kase parang nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Parang kami lang, palaging nag-aaway nung mga panahon na 'yun. Eto na naman ako at nag-iisip ng kung ano-ano. Emma, mag-focus ka nga. "Okay lang Amy, you can open the shop anytime you want. As early as you want. Basta, kaya mo 'yang pinagdadaanan mo." She just smiled and nodded. Buti nga siya e hindi minamaltrato ng asawa niya, away lang talaga 'yung problema nilang dalawa. "Amy I have a meeting with my co-sellers ngayon kase may bago daw na supplier na maganda ang mga tela ng mga damit so aalis na muna ako ah, ikaw na ang bahala dito.
"Opo mam."
Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin. Mukha pa naman akong tao hahaha. Nag retouch na muna ako at umalis na. Paglabas ko, may nakita akong sasakyan na pamilyar. Kotse ba 'to ni Anthon? Ayan ka na naman Emma e sa mga ilusyon mo. Pero kaparehas naman din talaga ng sasakyan niya ito. Kaparehas ng kulay pero 'di ko na matandaan ang plate number kung ito ba talaga. I just shrugged all my thoughts away. No. impossible. Nagpatuloy na lang ako sa pagpunta sa sasakyan ko. I headed to the meeting place, 'di din nagtagal e nakaabot na ako.
One message received
"I'm here sa right side naka yellow ang damit ko." Nakita ko naman siya agad. Nakatalikod siya mula sa pinto. Hindi ko alam kung bakit bumilis ang tibok ng puso ko. Naging mabigat ang mga paa ko. Hindi ko naman alam kung sino siya pero kinakabahan ako.
I went near him. As I was about to sit, he looked at me straight. Sobrang na shock talaga ako. Halo-halong emosyon ang naramdaman ko. Hindi ko alam pero parang aalis na ang puso ko sa malayong lugar dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.
I saw him shocked too.
So, it's him.
"Emma."
"Anthon."
BINABASA MO ANG
Battered Wife
RomanceI am Emma, and my life in living with my husband is the least you could have imagined and want. For I, am a battered wife.