Chapter 21

11.3K 130 13
                                    

Nagulat ako sa sagot ni Anthon, nabasag ang puso ko ng marinig ko siya. "Sa tingin mo didikit ako sa isang katulad mo? Walang trabaho, walang pera, walang kwenta. What do you expect from me? Am I that dumb to be stupidly inlove with someone like you? Isipin mo nga, kung hindi na ikaw ang may-ari ng puso ko, malamang meron ng ibang nandito." Tinuro niya ang puso niya.

Alas 12 na ng hating gabi pero 'di ako makatulog sa kakaisip ng mga sinabi ni Anthon. Siguro nga tama si Aling Nene, may iba na si Anthon. Hindi ko pa din mapigilan na hindi maiyak. May iba na siya. Siguro panahon na din para bitawan ang mga salitang sinumpaan ko noon na mamahalin ko habang buhay si Anthon. Pero....

Hindi ko naman kaya.

Iba-ibang posisiyon ko para makatulog, mga bandang ala una na nung nakatulog ako.

***

Paggising ko, wala na si Anthon. Iniisp ko din na baka nasa ibang bahay na siya ngayon. Kung sino man ang nakakuha ng pagmamahal niya, napaka-swerte niya. Napaka-maalagain kase ni Anthon. Mabait naman siya kase noon. Mahal niya ako noon, at mahal na mahal ko din siya. The difference nga lang is mahal ko pa siya ngayon, at siya hindi na niya ako mahal ngayon.

Pumunta ako sa karenderya at kumain. As usual pinagalitan ako ni Aling Nene dahil sinabi ko sa kanya ang sinabi ni Anthon kagabi. "'Yan kase ang tanga mo, ilang beses ka ba'ng pinanganak at ang tanga mo sa pag-ibig. Kung iniwan mo na si Anthon, malamang maganda ang buhay mo. CPA ka Emma, sana man lang ginamit moa ng pagiging propesyonal mo. Iniwan mo ang buhay mo, ang trabaho mo para sa lalakeng wala namang kwenta."

Napaisip ako, oo iniwan ko ang pagiging mayaman ko para kay Anthon pero kase mahal ko siya at hindi ko ma-imagine ang buhay na wala siya. "Kakayanin ko po, hanggang sa mahalin niya ako ulit. Kakayanin ko lahat ng sakit para lang makuha ang puso niya ulit."

Napa-iling siya. "Ikaw, nasasa-sayo ang desisyon. Pero malubha na 'yang katangahan mo Emma, sa sobrang martyr mo nagiging tanga ka na."

Ngumiti nalang ako kay Aling Nene. Naisip ko ang relong Rolex na nabili ko. Sayang naman 'yun. Ilang buwan ko 'yung pinag-ipunan. Ang tagal ko'ng nag save ng pera para dun. Akala ko naman kase magugustuhan niya kase paborito niya ang mga relo. I used to give him watches before, 'yun ang palaging regalo ko sa kanya noong mabuti pa ang relasyon namin.

"Mahal ko po siya, at kung ang pagiging tanga ay ang mga requirements para dun, handa po akong maging tanga."

Napa-iling si Aling Nene ulit. "Bahala ka."

Kakayanin ko Anthon. Kung ang pagiging tanga ay ang daan para makasama ka, kakayanin at gagawin ko. Gagawin ko ang lahat para mapanitili ka sa piling ko.

Kakayanin ko Anthon.


Battered WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon