Ilang araw nang hindi maayos ang pakikitungo sa akin ni Anthon, well hindi naman talaga maayos ang pakikitungo niya prero ngayon it became worse than it was before. Madalang nalang din siyang umuuwi sa bahay, minsan lasing. Hindi ko na alam kung alam pa ba niyang may bahay siya at may katulong siyang dapat niyang uwian. Gabi na at hindi pa din siya umuuwi. Nandito ako sa labas ng bahay at nakaupo. Parang aso lang akong naghihitay kung kelan uuwian ng amo niya. Napaka pait pala talaga ng buhay ko. Napaka hapdi ng puso ko. Wasak ang puso, humihina ang katawan ko dahil sinasaktan ako ni Anthon. Pero hindi mawawala sa isip ko na mahal ko talaga siya at kahit anong gawin niya hindi mawawala ang pagmamahal ko sa kanya. Kahit ano pa man ang mangyari mamahalin ko siya hanggang sa pagtanda naming. Sana lang talaga umabot pa ako sa mga panahong iyon. Feeling ko kase 50% nalang ng katawan ko ang puma-function. Ewan ko ba parang sumusuko na ang katawan ko pero ang puso at isip ko sumisigaw ng "mahalin mo si Anthon kahit ganyan siya" nalilito na ako kung sino ang pakikinggan ko. Umaayaw na mismo ang katawan ko, marami akong sugat at mga pasa.
Naputol ang pag-iisip ko ng dumating si Anthon. Lasing na naman siya. I ran towards him at inalalayan siya. Grabe, thanks God umabot siya dito na safe, lasing na lasing talaga siya. "Asan ka ba kase galing?"
Hindi siya kumibo kaya patuloy kaming lumakad na pagling-giling. Nagulat ako ng sumuka si Anthon at nasukahan niya ang damit ko. Lasing talaga siya e. "Sumuka ka lang, maglilinis nalang ako ng sarili ko mamaya. Asan ka ba kase galing."
Humarap siya sa akin na galit. "A-ano ba-bang problema mo h-ha? Wala kang paki-pakialam k—kong asan ako-o gali-galing." Hindi na masyadong maintindihan ang mga sinasabi niya kase sobrang lasing talaga siya. Patuloy na kami sa paglalakad, malapit na kami sa pinto ng bahay ng matumba si Anthon.
"Anthon anon ba, dahan-dahan nga."
Ginabayan ko siya ulit sa pagtayo.
Naglakad kami papuntang kwarto niya, Inihiga ko siya sa kama. Binihisan ko din siya at pinunasan ko din ang part ng biibg niya kase sumuka siya kanina, ayaw niyang nangangamoy siya pero palagi din namang umiinom.
Ang gulo niya.
Aalis n asana ako ng may sinabi si Anthon. "Mahal kita." Nagulat ako kaya lumapit ako sa kanya. Ano ba'ng pinagsasabi niya? Nakapikit lang siya at nakangiti. "Ikaw ang rason kung bakit buhay pa ako, ikaw ang nagbibigay ligaya sa buhay ko."
"Mahal din kita." Hindi mabilang ang kaligayahan na meron ako ngayon. Sinabi ni Anthon na mahal niya ako.
"Mahal kita. Sana hindi mo ako iwan.
"Sino ba ang nagsabi na iiwan kita?" Anthon, kung alam mo lang talaga kung gaano kita ka mahal. Hindi kita iiwan kahit ano ang mangyari.
"Mahal kita Andy."
BINABASA MO ANG
Battered Wife
RomanceI am Emma, and my life in living with my husband is the least you could have imagined and want. For I, am a battered wife.