"Ano ba'ng niluto mo?" tanong ni Anthon ng makababa na siya.
Mukhang lasing pa din 'to ah. "Pritong isda lang."
Hindi na siya kumibo at umupo na sa may silya. "Kain ka na." umalis na ako ng silid dahil baka itapon na naman niya 'yung pagkain. Laking gulat ko ng wala siyang reklamo, oo nga lasing nga.
The usual. Nag-igib ako ng tubig, naghugas ng plato, nagwalis, naglaba. 'Yung buhay ko'y parang sirang plaka, paulit-ulit nalang. Pero okay na din 'to, at least kasama ko si Anthon. Para saken e okay na ang mahirap ako kesa naman maghirap ako lalo ng wala si Anthon sa tabi ko. Kahit naman kase baliktarin pa ang mundo e asawa ko siya at wala naman talagang magbabago dun.
Tumungo ako sa itaas para magpaalam kay Anthon. Palapit pa lang ako ng pinto ng may narinig ako... "Kumain ka na ba? Kakakain ko lang din e." nag-pause siya sandal. "Sige, ingat ka." Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko 'yun. Hindi kaya may babaeng iba si Anthon?
I entered his room para magpaalam na aalis ako. "Anthon... aalis muna ako. Maglalaba ako kina mam Irene."
He sighed, deep. "Bahala ka sa buhay mo. Atsaka bakit ba? Bakit ka pa nag-aask ng permission sa akin ha? Alam mo namang wala akong pake sa'yo matagal na! Bakit pa pinagsisiksikan mo pa 'yung sarili mo sa akin? Baka akala mo'ng maibabalik mo pa ang dating tayo? To tell you this, wala na tayo. Ang dating pag-ibig natin ay wala na. nabaon ko na 'yun sa limot. Hindi na pwedeng ibalik pa ang nakaraan natin. Kung ano'ng meron tayo noon e nakalipas na 'yun. Ngayon hindi na kita asawa, katulong kita!" parang mga basong sira ang sinaksak sa'kin ang mga sinabi ni Anthon. Ang bigat. Ang sakit.
"Anthon kung wala na talagang pag-asa, hayaan mo nalang akong mahalin ka oh. Kahit 'yun nalang ang magiging kapalit ng pagmamahal ko sa'yo. Hayaan mo nalang na silbihan kita. Kahit ang kapalit ng pagmamahal na binibigay ko ay ang hayaang mo akong mahalin ka." Hindi ako umiiyak pero ang sakit ng puso ko. Ang bigat ng mga sinabi niya. Sobrang bigat na gusto ko'ng mawala nalang.
Nakita ko'ng nainis talaga si Anthon. Akala ko pa naman na magagalit siya kapag umalis ako dito sa bahay. Wala naman pala talaga siyang paki-alam. "You know what? You are just wasting your time loving someone who can't love you back. I can't love you back, I just can't. The love we had before is gone. Sana naman maisip mo na ayoko na talaga, ayoko na. kung pwede pa lang e paalisin kita dito. Nagmamalasakit na nga lang ako sa'yo. Just move-on."
"Move-on? Madali lang sabihin 'yun. I can't. and if loving you can hurt this much? I am willing to get hurt para hindi ka lang mawala. Aalis na ako."
Umalis ako ng bahay na may bigat sa puso. Hindi na talaga niya ako mahal. Ako nalang pala talaga ang nagmamahal sa kanya. Siguro nga tama ang sinabi niya na mag move-on na ako. Na kalimotan ko nalang din 'yung kung anong may meron kami noon.
"Andito ka na pala Emma."
"Marami po ba kayong palalabhan mam?"
"Bakit ka ba umiiyak Emma? Ano ang nangyari?"
Tama ka Anthon, unti-unti na kitang kakalimutan.
BINABASA MO ANG
Battered Wife
Storie d'amoreI am Emma, and my life in living with my husband is the least you could have imagined and want. For I, am a battered wife.