"Wala ka ba'ng kasama talaga dito?" tatlong araw na akong nandito sa bahay ni Jake, only to find out na wala pala siyang kasama dito. Nagulat nga ako e, sa yaman ba naman niya e wala siyang katulong. Nasa kabilang kwarto ako natutulog, 'yung mga gamit ko e nasa cabinet na din. Ang tagal ko na ding hindi nakatulog sa malambot na kama, ang sarap pala talaga matulog kapag malambot ang hinihigaan mo.
Tumawa siya at sumagot. "Ikaw, ikaw ang kasama ko dito."
I rolled my eyes. Napaka-sarcastic naman nitong taong 'to. Mabait nga at tinulongan ako pero sarkastiko naman. Pero okay na din kesa saw ala akong matuluyan. "Pilisopo." Tumawa lang kaming dalawa. Kumain na kami ng breakfast.
Laking gulat ko ng Makita ang ulam. Omg sinigang na isda. "My God paborito ko 'to, alam mo ba?" tinikman koi to, ang sarap naman. Actually, masarap naman talaga siyang magluto. Palagi akong busog. Siguro kung dito ako nakatira e ang taba ko na siguro.
"You remember when we werev at the restaurant? Napansin kita na sinigang talaga ang tinutukan mo ng kain kaya I got the idea na gusto mo talaga 'to." Tuloy pa din ako sa paghigop ng sabaw.
"Stalker." Tumawa ako pagkasabi ko nun at nagsimula ng kumain.
Jake cleared his throat and started talking about random things. He keeps on asking me about my life and my likes and dislikes. Masaya pala siyang kasama. I've never been this happy since a year or two. I can express myself and my own guess and thougts. Minsan nga naiisip ko, if I found someone like Jake before, would I be still happy as I am now? "Masarap ba?"
I smiled at him. Kung alam mo lang talaga. "Syempre oo, you are really a good cook. Why not build your own restaurant?"
"Naku busy ako sa company at sa mga negosyo. Wala na talaga akong panahon para magtayo ng restaurant. Pero kung gusto mo'ng may trabaho ka pansamantala, I can build a restaurant for you. If... that's okay with you Emma."
Nahiya ako sa sinabi niya. Sino ba namang sira ulo ang magdo-donate ng restaurant sab ago pa niyang kakilala? "Naku 'wag na, ano ka ba okay lang na nasa bahay ako no. ilang taon akong nasanay na sa mga gawaing bahay." Natulala ako. Naisip ko na naman siya. Kamusta na kaya siya?
"Hey cheer up, birthday mo na next month. May regalo ako sa'yo. Sana naman tanggapin mo, but I know naman na marunong ka naman um-apprecaite diba?" tumawa kaming dalawa. Umiling nalang ako sa kanya.
Niligpit na niya ang mga kinainan naming. Nasa sofa ako naka-upo. Being here is not good kase parang nag-cheat na din ako kay Anthon pero wala naman ding malisya ang pagpunta ko dito kase wala naman kaming ginagawang masama ni Jake. Hinahanap din kaya ako ni Anthon? Sana naman na-miss din niya ako kase ako miss na miss ko na siya. Natapos na din pala sa paghugas ng plato si Jake. He never let me wash the plates when he's around kase daw kaya naman niya.
"Emm, ready for an adventure?" he winked at me.
Ano na naman ba'ng iniisip nito. Hmm adventure.
BINABASA MO ANG
Battered Wife
Storie d'amoreI am Emma, and my life in living with my husband is the least you could have imagined and want. For I, am a battered wife.