This is dedicated to KBTeamasukal and jeeymae0718 :)
I just looked away. Hindi ako maganda, at hindi dapat ako magpadala sa mga sinasabi niya. No. "Ano ka ba, just look at the sunset oh, ang ganda."
"Kasing ganda mo." He looked at the view. Ang ganda talaga, nami-miss ko na talaga si Papa. I was used to being a princess to my parents, but now mas mahirap pa ako sa daga. I shaked all the thoughts away and just focused on looking at the sun setting. I don't want to cry again, alam ko naman na mahirp talaga ang pinagdadaanan ko but alam ko na trial lang ang mga ito.
"Asus bolero." Natawa lang siya sa sinabi ko at laing pasalamat ko na hindi na siya nagsalita pa'ng muli. Unti-unti ng nawala ang araw. Gaya ng paglubog ng mga masasamang araw ko. Sana talaga pangmatagan na itong kasiyahan ko. Sana wala ng dumating na masamang bagyo.
Jake tapped me. "Halika na, punta tayo sa mall, mas masarap ang kumain ngayon." I laughed my heart out. Wala ng masarap pa sa pagtingin ng lumulubog na araw. Pero kase gutom na din talaga ako e.
"Ilang taon na akong hindi nakakapasok sa mall. Napaka-outdated ko namang tao. Nakakahiya tuloy sa'yo. Baka mag freak-out pa ako dun kase baka mabighani ako kung anon na ang itsura ng mga malls ngayon."
Jake rolled his eyes. Parang bakla naman 'tong isang 'to. "Ano ka ba, parehas lang naman ang mall ngayon at noon, may mga bagay na pwedeng bilhin at mga pagkaing pwedeng kainin. So, chillax ka nga lang diyan. I won't mind bringing you there." He really is the opposite to Anthon, 'yung Anthon na nakilala ko ngayon. I cleared my thoughts away. Palagi nalang din kaseng si Anthon ang nasa-isip ko, para akong baliw na nag-iisip sa taong wala namang paki-alam kung sino ako at ano ako.
"Sure ka ba talaga? Ano kase e... uhmm... wala akong pera." Napakamot ako sa ulo ko. Wala talaga akong dalang pera, naiwan ko ang konting pera ko sa bahay ni Jake.
"Ano ka ba, syempre libre ko 'to no. Don't worry, hindi ka makakagastos. I'll pay for everything." Lumingon siya sa akin. "Ano? Game?"
"Game."
We got on the car and he drove to the nearest mall on his subdivision. Sa SM kami pumunta. We got out of the car tapos pumasok na.
"Ang ginaw naman dito Jake. Ang tagal na din pala talaga since I entered malls."
He chuckled. "So who's up for Mang Inasal?"
"Syempre ako, ako lang kasama mo e." I chuckled. "Hephep I know pilosopo 'yun, uunahan nalang kita sa pagsabi." And we both laughed and headed to Mang Inasal.
BINABASA MO ANG
Battered Wife
RomanceI am Emma, and my life in living with my husband is the least you could have imagined and want. For I, am a battered wife.