Umiiyak ako dahil sa hapdi ng mga sugat ko. Sinaktan ako ni Anthon dahil kinain ko ang ulam na niluto ko. Nagutom daw kase siya bigla at sinaktan niya ako dahil nga wala na siyang makain ng dahil sa akin. Hinaplos ko ang mga sugat sa braso ko. Sinuntok din ni Anthon ang mukha ko kaya may black eye na naman ako. Mananatili talaga ako dito sa bahay ng ilang mga araw dahil hindi pwedeng Makita ng mga kapit-bahay ang mga sugat na natamo ko. Ang sakit-sakit na pero hindi ako pwedeng lumaban dahil baka iwan niya ako. Hindi, hindi pwede.
"Aalis ka na? Mag-ingat ka." Sabi ko kay Anthon ng bumaba siya sa hagdan.
"Kung sa tingin mo ay maibabalik moa ng nakaraan sa pagiging concern at sa pag-aalaga mo sa akin, nagkakamali ka. Darating din ang panahon na iiwan kita, kaya maghanda ka na." masakit ang mga salitang binitawan niya pero hindi ako nagpatinag.
"Asawa mo ako, kahit anong gawin mo hindi mo ako maiiwan. Annulment? Hindi ako peperma. Ginawagaw ko lang ang trabaho ko bilang asawa mo. At kung iniisip mo na susuko ako, nagkakamali ka dahil hindi 'yun mangyayari. Mahal kita at kahit na anong gawin mo, hindi ako kakalas. Panghahawakan ko ang kasal natin. Legal ako, at kasal tayo. 'Yan ang tandaan mo."
Tumawa lang siya at nag shake sideways ng ulo niya. "You are insane. Hindi na kita mahal kaya kahit ano din ang gagawin mo, our marriage will never be an enough excuse para mag-stay ako."
Umalis na siya at nilakasan niya ang paglock ng pinto kaya nagulat ako. Nag-iba na talaga siya. Hindi na siya 'yung dati ko na nakilala. Iba na ang lahat. Parang wala na sa kanya ang pinagsamahan namib simula teenager pa kami.
Since wala akong magawa dito sa bahay kase tapos na lahat ang gawain e nag cross-stitch nalang ako. Isa itong bulaklak na may paru-paru. Binibenta ko ang mga ito kaya worth it ang paggawa ko. Nasa kalagitnaan na ako ng paggawa ng may biglang tumawag sa cellphone ko. Si Anthon.
"Hello?"
"Maghanda ka dahil aalis tayo. Magsout ka ng magandang damit. Pupunta ako diyan ng alas sais ng gabi. Be presentable. 'Wag mo'ng ipahalata na maid ka lang."
Bago pa ako makasagot e binaba na niya. Ano kaya ang gagawin namin? Saan kaya kami pupunta. Tinapos ko na kaagad ang ginagawa ko at naghanap ng magandang damit. Wala naman talaga akong magandang damit e.
"Oh, meron pa palang isa." Isa itong kulay puti na makikita ang cleavage. May laso ito sa bewang at lagpas tuhod ang taas. I remember this, ito ang sinout ko nung date naming ni Anthon. Actually ito 'yung sinout ko ng nagpropose siya sa akin. Sinukat koi to, kasya pa pala sa akin.
"Ang ganda naman, na-miss ko tuloy ang mga panahong mahal mo pa ako, aking sinta."
BINABASA MO ANG
Battered Wife
RomanceI am Emma, and my life in living with my husband is the least you could have imagined and want. For I, am a battered wife.