Familiar talaga 'yung Trixie pero di ko na din namamn matandaan kung sino 'yung nagsabi sa akin ng pangalan na 'yun. Di ko na talaga matandaan e. I shaked my thoughts away at nag focus nalang sa pagsusukli kay Trixie. "Ito na po, 600. Salamat po mam Trix."
Nag-smile siya. "Naku walang ano man Emma." Naging mapait ang ngiti niya pagkabigkas niya sa pangalan ko. Ano ba ang problema niya? Plastic ba siya o pinaplastic niya ako? O sadyang may naalala siyang mapait na karanasan sa pangalan ko? Aba ewan ko.
Mabilis siyang umalis. Nagpatuloy na lang ako sa pagtitinda. Nakakapagod ng sumigaw ng paulit-ulit ng "Isda kayo, bili po kayo ng isda." Pero kailangan e.
Sure ako si Anthon ngayon e kumakain sa masarap na fast food chains, samantalang ako nasa mabaho na palengke.
Nang matapos na ako sa pagtinda e umalis na ako sa palengke. Nagtungo ako kina aling Bibang para magwalis na naman.
"Aling Bibang. Tao po."
"O Emma, magwawalis ka? Napaka basa ng lupa dahil sa ulan ah. Bukas na lang."
"Naku po okay lang, gagamitin ko kase ang pera e."
"O siya, ito ang 100 bukas ka na magwalis ah. Kumain ka na at hapon na, baka ma paano ka niyan sa mga ginagawa mo, puro ka nalang trabaho."
"Salamat po talaga ah, marami na po akong utang sa inyo."
"Wala 'yun. Alis ka na at kumakain pa kami."
Natawa kaming dalawa ni Aling Bibang. "Sige po."
**
Nagtungo na ako sa karenderya ni Aling Nene. "Dinuguan ng apo isang serve atsaka kanin isa din po."
"Nakabenta ka ba hija at parang napaaga ka yata ngayon."
Napansin din pala ni Ali na maaga ako ngayon, alas singko pa lang ng hapon at nandito na ako sa karenderya. Pagkatapos kase kila Aling Bebang e nagluto na ako para kay Anthon at pumunta na dito.
"Ay oo po, naubos nga po e."
Mukhang natuwa si Aling Nene sa sinabi ko. "Marami ka palang pera ngayon."
"Meron akong perang konti Ali pero ibibili ko po ito sa kaarawan ni Anthon."
Lumingon si Ali sa akin. "Kaarawan? Palagi ka niyang sinasaktan at bibilhan mo pa siya ng regalo? Naku Emma masama na 'yang pagpapakatanga mo ah, masama na 'yan."
"Minsan lang naman po ito sa isang taon e."
"Ewan ko sa'yo." Si Aling Nene talaga komokontra pa. Hays.
BINABASA MO ANG
Battered Wife
RomanceI am Emma, and my life in living with my husband is the least you could have imagined and want. For I, am a battered wife.