"Tao po." Wala pa ding sumasagot. Nandito ako sa bahay ni Aling Bibang dahil magpapawalis daw siya sa bakuran niya pero mukhang wala namang tao e.
"Teka lang naman Emma, may ginagawa pa ako."
Biglang sumulpot si Aling Bibang sa likod ko. "Andito ka lang po pala, kanina pa ako dito. Marami 'yang dala mo po ah, saan ka po galling?"
"Namalengke ako." May kinuha siya mula sa basket niya. "Oh, itong mga gulay, lutuin mo 'yan at parang wala ka ng kunsumo. Palagi na kitang nakikita sa karenderya ni Nene."
Kinuha ko naman ang binigay niya. "Tamang-tama po talaga kase wala na akong kunsumo. Salamat po talaga."
"Oh siya, simulant mo ng maglinis sa bakuran ko at may bonus ka sa akin mamaya."
"Sige po."
Gaya ng sinabi ni Alin Bibang ay naglinis na ako. Maraming dahoon ang kanyang bakuran dahil sa puno na nasa tapat ng bahay niya. Madali lang naman itong linisin dahil sanay naman ako sa ganitong mga trabaho. Nasanay na, sa dalawang taon ba naman na ganito palagi ang ginawa ko e sino namang hindi masasanay.
Natapos ako sa loob ng 30 minutes at pumunta sa loob ng bahay ni Ali. "Aling Bibang tapos na po." May Nakita akong litrato ng isang lalake sa mesa niya, anak niya siguro. Pinagmasdan ko ito, napakagwapo naman nitong taong 'to,
"Tapos ka na pala. Oh ito 500. Salamat talaga sa serbisyo mo dito Emma ah, napakabait mo'ng bata. Hindi ko alam kung anong nakain ng asawa mo at di ka tinatrato ng maayos."
Napangiti nalang ako. "Dahil nga po kase sa nagyari noon, pero tanggap ko naman po e. tanggap ko na po."
Matapos ay umuwi na ako kase alas 12 ng tanghali. Magluluto pa ako.
I gathered all the things that are needed para sa lulutuin ko. Hinanda ko na ang bato at ang kaldero para sa lulutuan ko ng gulay. Bato lang kase ang nagsisilbing gasul ko e. Nagluto na ako ng paborito ko'ng batsoy. Mukhang mapapasarap talaga ang kain ko nito. Hinanda ko na ang kanin at kumain na sa labas ng bahay.
Naisip ko si Anthon, paborito rin niya ito pero sayang naman dahil hindi siya umuuwi kapag tanghali. Busy kase siya sa trabaho. Napaka hardworking niya kase kaya wala na siyang oras na umuwi ng tanghali.
Matapos ko'ng kumain e nagligpit na ako at naglinis ng pinagkainan ko.
Tumungo na ako sa palengke para magtinda ng isda. Marami pa akong dapat gawin talaga. Nakakapagod ang buhay ko pero masaya.
Masaya ako sa buhay ko, pero si Anthon... hindi siya masaya na kasama ako.
BINABASA MO ANG
Battered Wife
RomanceI am Emma, and my life in living with my husband is the least you could have imagined and want. For I, am a battered wife.