Emma's P.O.V
Nag-decide ako na puntahan si Anthon, I know naman sa kasabihan na "wag mo'ng tabuhan ang problema kundi harapin mo ito." As if naman problema siya no. sumakay na ako sa sasakyan ko. Nagtungo ako ng 7/11. Kinakabahan ako, sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ano ba naman 'yan Emma, akala ko ba nakalimutan mon a siya? E kase naman kung kelan ko pa nasabi na nakalimutan ko na siya, saka pa siya babalik. Assuming ko masyado, wala naman siyang sinabi na babalik siya sa buhay ko. I mean bumalik lang siya na ka-negosyo ko. Aba ewan, nababaliw na yata ako sa kakaisip sa kanya. Malala na talaga ang sakit ko. Hindi na ito maganda.
Nagpark ako sa labas. Nakita ko ang kotse niya. Alam ko na ito ang kotse niya dahil nakita ko na 'to dati pa. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nung bumaba ako sa sasakyan. Nanghihina ang tuhod ko ng dahil sa kaba. Hindi ko ma-explain kung ano ang nararamdaman ko. 'Wag nalang kaya akong tumuloy? I looked at my watch, 3 minutes nalang at alas 9 na. Emma, be brave. Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit na pinipigilan ako ng paa ko.
Emma, be brave.
Yes, I am brave enough to face him. The man who captured my heart and broke it to pieces. The man who tortured me but still I did not say a single word not to hurt me. Alam ko na martyr ako, but that's just because I love him so. Mahal ko siya noon na kahit anong gawin niya, parang wala lang sa akin ang mga ito. Pero...
Hindi ko ba talaga siya mahal?
Mahal ko pa ba siya? O hindi na talaga? Kase pati ako hindi ko alam sa sarili ko. Oo noong panahon na masaya na ako sa sariling buhay ko naamin ko ng hindi ko na siya mahal. Pero ngayon na nagbalik na siya... parang nagdadalawang-isip na ako. Nakakalito. Ang nararamdaman ko sa kanya ay sobrang nakakalito. Kulang nalang e i-untog ako sa pader para magising sa katotohanan. He hurt me both emotionally and mentally pero hindi ko man lang magawang ipagtanggol ang sarili ko. How can I make myself unlove someone who doesn't see my worth? How?
Naguguluhan na ako pero nagpatuloy pa din ako sa pag open ng pinto ng 7/11. 'Di ko na inantay na may magbukas pa para saken. Nakita ko siya. Nakatalikod. Lumapit ako sa kanya. Saktong papalapit na ako e lumingon siya. He was surprised seeing me. Ewan ko kung ilusyon lang ba 'to pero parang masaya siya na nakita ako. Ngumiti siya pero hindi ko ibinalik ang ngiti ko. I just casually sat. "So, nandito na ako, is this about our business Sir? Kase napabigla ang pag-text mo. Nagulat na lang ako na may meeting pala tayo ng alas 9."
He just looked down. Parang hindi niya in-expect na sasabihin ko 'yun. I have changed Anthon, you should probably know that. "It's not about the business." Kinabahan ako bigla sat ono at sa mga salitang sinabi niya. Kung hindi sa business, e para saan?
"It's about us."
BINABASA MO ANG
Battered Wife
RomanceI am Emma, and my life in living with my husband is the least you could have imagined and want. For I, am a battered wife.