I spent the whole afternoon at the park malapit sa bahay naming. Kailangan ko din ng oras para sa sarili ko. Ano kaya kung umalis na ako sa bahay ni Anthon? Hindi pwede e. walang magluluto para sa kanya. Walang magsisilbi sa kanya. Tumayo nalang ako para umalis na. alas kwatro na kase ng hapon. May nakita akong sasakyan sa tapat ng bahay ni mam Irene. Siguro mga kapamilya niya.
Pagtungtong ko pa lang sa bahay e galit na galit na si Anthon. "Nakipagkita ka na naman ba sa lintik mo'ng syota?"
Ayan na naman siya. Pinagbibintangan na naman ako. "Ano ba Anthon, sa park lang ako galling."
"Halika nga dito." Hinablot niya ang buhok ko. "Dito ka nararapat." Ibinangga niya ang ulo ko sa wall ng paulit-ulit. Nasasaktan ako pero hindi ko pinapakita dahil ayokong isipin niyang weak ako. Hindi ako weak Anthon at magpapakatatag ako para sa'ting dalawa. Sinipa niya ang tuhod ko ng dalawang beses at pinaluhod ako. "Lumayas ka dito hayop kang babae ka!" Sinampal niya ako sa kanan at kaliwa. Paulit-ulit niya akong minura pero hindi ako nagpatinag. Hinayaan ko siyang saktan ako kase wala naman akong laban sa kanya. Sinakal niya ako at inuntog sa semento. Okay lang Anthon, saktan mo man ako ng paulit-ulit, hindi mawawala ang pagmamahal ko sa'yo.
Bumangon ako nung huminto na siya sa pananakit. "Magluluto na ako." Pumunta na ako sa kusina at hinanda ang baboy. Sinabawang baboy ang lulutuin ko. Umiyak ako sa kusina, tanging mga hikbi ko lang ang mariring. Bakit pa kase nangyari ang lahat ng 'to? Wala naman akong kasalanang malaki para ma deserve ang ganitong mga pangayayari sa buhay ko.
"Anthon kumain ka na." bihis na bihis si Anthon ngayon, siguro may pupuntahan.
Lumingon siya sa akin at bumawi agad. "Busog ako." Sinarado niya ang pinto at naiwan na naman akong umiiyak mag-isa. Sana pala talaga namatay nalang ako nung na-hospital ako. Sana hindi nalang ako ipinanganak ng nanay ko. Sana mamatay nalang ako.
Umiiyak akong inilipat ang sinabawang baboy sa bowl. Kakainin ito siguro ni Anthon mamaya pag-uwi niya dito.
Pagkatapos ay nagtungo na ako sa sala at umupo sa sahig kung saan nandun ang sako na nagsisilbing higaan ko ngayon. Asan kaya papunta si Anthon? Nakita ko ang mga pictures naming dun, 'yung mga masasayang mga araw naming, 'yung mga panahon na kaming dalawa lang ang nagmamahalan. 'Yung mga araw na tanging pagmamahal lang ang nangingibabaw sa aming dalawa.
"Ang saya natin noon."
Bulong ko sa sarili ko.
I started to wander my eyes in the room. Nasa tabi ng upuan ako natutulog. Sa sala. Sa tapat ng tv ako nakatira. Habang si Anthon nasa malambot na kama. How could he sleep well knowing that I am more than a homeless rat? Ang nagsisilbing cabinet ko e mga cellophane na nasa ibaba ng paa ko. Hindi din naman nanunuod ng tv si Anthon dito kaya dito nalang ako pumwesto. Pinalayas niya kase ako sa room niya noon kaya dito nalang ako nakatira.
Anthon? Why are you doing this to me?
BINABASA MO ANG
Battered Wife
RomanceI am Emma, and my life in living with my husband is the least you could have imagined and want. For I, am a battered wife.