ELEVEN: Mr. Know it all

711 17 0
                                    

Shexter 11: Chismoso karin eno.

Y A X L E' S P O V

"You're late. Twenty-three minutes." Agad akong napalingon sa likod. My forehead almost knotted when I saw him. Nasa gilid siya ng railings sa gilid ng pinto at may dala dala itong lata ng soft drinks. Wait, don't tell me..

"Kanina kapa diyan?" I asked.

"Yeah. Dimo lang napansin kasi dare-daretso ka." He said. Naglakad siya papunta sakin pero dumaretso siya sa railings. Napakagat ako sa labi ko dahil don. Bwisit din siya eh, hinintay niya pa kong mag moment dito bago siya magsalita. Sira ulo. Napa-iling nalang ako at napa sunod sa railings. I stopped on his side at napatingin sa view sa ibaba. Tanaw mula dito ang mga city lights sa malayo.

"Oppa? Hehe. I just want to ask you something.."

"Go on." Tanging sagot niya habang nasa malayo parin ang tingin. "Ano, hehe. Nung gabing pumunta ka sa kwarto ko—" Napahinto ako nung mapalingon siya sakin. His two eyebrows met.

"Alam mo?" Naguguhan niyang tanong. What makes him think that I didn't know?

"S-syempre? Ikaw lang naman ang laging naka headphone sa EXO." I honestly said. Dahil don ay napabuntong hininga siya. "I thought you think I was Chen." May binulong siya pero hindi ko nadinig yon. Hindi ko nalang pinansin, ang importante ay malaman ko kung may nakita ba siya o ano. Ayoko ng patagalin patong paguusap namin.

"Nung gabing yon may nakita kabang kakaiba? Or I mean— napansing hindi tama! Oo hehe. Ganon na nga."

"Like what?" Parang wala naman atang alam to eh.

"Ah wala oppaa! Kalimutan monaaa!" Makulit na sabi ko. Nag eye smile pako at medyo nagpa-cute ng konti kahit na nakakasuka. This past few days, pansin kong nag iimprove talaga yung acting skills ko. Diba? Pero nagtaka ako ng biglang matawa siya, habang nakatingin sakin. P-pangit ba ko mag eye smile? Or.. hindi talaga bagay? Hindi cute? Anong nakakatawa?!

"Hindi bagay haha." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

"Y-yung eye smile?" I seriously ask. Desperada akong malaman ang sagot. Kung ganon talaga kasama, hinding hindi kona gagawin ulit yon! Ever.

"No. Yung pag arte. It doesn't suit you." Unti unting sumeryoso ang mga mata ko. Anong ibig niyang sabihin? Matagal bago ako nakasagot ulit, hanggang sa maging seryoso nadin ang expresyon niya.

"Anong alam mo?" I said. He tilted his head. Ipinatong niya muna yung hawak hawak niyang lata sa railings bago ako hinarap.

"Yoon Yaxle." Dahil don ay nanlaki ang mga mata ko. Paanong?! Hindi ako makapaniwala. Agad ko siyang hinila at kinwelyuhan. Napa taas agad siya ng dalawang kamay na para bang sumusuko sa mga pulis.

"How did you know?!" Pabulong pero pasigaw kong giit sa kanya. "K-kalma. Mag eexplain ako." He said. Pabagsak kong binitawan ang kwelyo niya at tska tumingin sa kanya ng seryoso. My eyes are telling him na umayos kung hindi ay patay siya sakin. Inayos muna niya yung kwelyo niya bago mag salita.

"Ano, nung gabing yon... I was about to leave you but I heard your phone rungs. Sakto namang FaceTime yon at si 'tandang gurang' ang tumatawag. Daddy mo yon diba? Daddy mo si President Yoon." I literally facepalmed because of that. I didn't saw that coming. Ikinwento niya sakin lahat ng nangyari non. Pati yung mga inutos sa kanya ni Daddy. I almost stomp my feet on the ground because of disappointment. Arggg! Si daddy talaga! How could he?! He just told Luhan my biggest secret!

It Started with a Sex: EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon